Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

ang sumusunod ay mga patakaran na inilunsad ng mga hapones​

Sagot :

Answer:

Mga Pagbabagong Ipinatupad ng mga Hapones

Isang bagong pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones. Itinalaga nila si Jorge Vargas bilang tagapangulo ng Philippine Executive Commission.

Sa bisa ng Executive Order No. 109,itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI),ang tanging partidong politikal na pinahintulutan ng mga Hapones sa Pilipinas.

Hinirang si Jose P. Laurel bilang pangulo ng bagong republika ng Pilipinas.

Tinaguriang "puppet government" ang pamahalaan noong panahon ng mga Hapones dahil walang kapangyarihan ang mga pinuno nito na magpatupad ng mga programa at gumawa ng sarili nilang pagpapasiya. Bagkus ay naging sunod-sunuran ito sa kagustuhan ng mgs Hapones.

Lumaganap ang kahirapahan dahil sa (a) pagtigil ng mga maggagawa at magsasaka sa pagtatrabaho sa takot na maging biktima ng pagmamalupit ng mga Hapones; at (b) pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa kakulangan ng suplay ng mga pangunahing pangangailangan .

Sapilitang ipinatanim ang bulak dahil kailangan ito ng mga Haponessa paggawa ng dinamita.

Nagpalabas ng salapi ang mga Hapones. Tinawag itong "mickey mouse money" dahil sa kakulangan ng mahahalagang impormasyon sa disenyo nito.

Tinawag din itong "gurami",maliliit na isda na kahit madami ang bilang ay walang halaga; o "apa", dahil parang mahina o mapurok ito--- ang mga katawagang ito ay nagpapahiwatig na walang halaga ang naturang salapi.

Sinupil ng mga Hapones ang kalayaan ng mga Pilipino.

Nagpatupad ng paghigpit sa mga pahayagan at inalis mula sa mga batayang aklat na ginamit sa mga paaralan ang anumang patungkol sa kulturang Amerikano at sa English.

Nagpatupad ang mga Hapones ng mga patakaran upang ibalik ang pagiging Asyano ng mga Pilipino na pinaniniwalaan nilang nawala ng dahil sa pananakop ng mga Kanluranin. (Espanya at United States)

Itinuro nila ang wikang Nippongo.

Nagpalabas sila ng mga dokumentaryo tulad ng "Song of the Orient" at "The Dawn of Freedom" tungkol sa pagwawagi ng mga Hapones sa Bataan at Corregidor.

Pinatutugtog din nila ang "Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas" kapalit ng "Lupang Hinirang" sa mga opisyal na gawain at pagtitipon.

Ayon sa salaysay ng mga nabuhay noong panahon ng mga Hapones,nabalot ng takot at lagim ang Pilipinas noon.

Labis na kinatakutan ang malupitat buktot na pamamaraan ng mga kempeitai o pulis-militar ng Japan sa mga Pilipino.

Sa Fort Santiago karaniwang isinasagawa ang pagpaparusa at pagpapahirap, maaari din para sa pagkuha ng impormasyon, sa mga Pilipinong pinaghinalaang mga gerilya. Ilan sa mga paraan nito ay ang pinugutan,tinubig,kinulata at binilad.

Naging laganap ang pang-aabuso sa kababaihan sa panahon ng okupasyong Hapones.

Upang pigilin ang anumang tangka sa pag-aalsa o paglaban sa Japan ,nagbayad ang mga Hapones ng ilang Pilipino para mag-espiya para sa kanila.Tinawag ang mga espiyang Pilipino na ito na buslo.

Explanation: