IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.


Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
Noong unang panahon, may isang matandang mangingisdang may pitong
anak na dalaga na nainirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat
ng Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa
gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng isla ng Panay. Araw-
araw ay makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga gawaing-
bahay o kaya nama'y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o masayang
lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kay gaganda
habang nakikipaghabulab sa mga alon sa baybayin.
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan
kundi maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang
kanilang tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha
ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga
anak at ang labis niyang ikinatatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa
kaniyang mga dalaga ng mga lalaking maaring maglayo sa kaniya. "Sana, kung
makakahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lamang
sa aming isla uoang hindi sila mapalayo sa akin," ang naibulong ng ama sa sarili
habang pinagmamasdan ang kaniyang mga ank na abala sa mga gawaing-bahay.
Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal
ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binate ang
kagandahan ng mga dalaga kaya't nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para
mangalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at
mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa dalaga. Naging mabilis
ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ang pitong binatang estranghero.
Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalagang agad
naming nagsipayag.
Subalit hindi nagging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang
ama. “Hindi niyo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo
sasama? Hindi ako papaya," ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang
kaniyang maga anak na sumama sa mga binata

Isang araw, habangnasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang
mapangahas na pasiya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa
ayaw at sa gusto ni Ama," ang wika ng panganay na si Delay.
“Ako man, ako man, ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-apis ng ama upang mangisda. Bitbit ang
kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga dalaga sa bangkang
dala ng mga binate palayo sa kanilang tahanan.
Nang sila'y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan
nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang bangka ng mga estranghero
lulan ang kaniyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama
para mahabol ang kaniyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhangmabagal ang kaniyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga
estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga anak.
Buong pait na lumuha at nagmakaawa ang ama sa kaniyang mga anak.
"Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo," ang walang
katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya s amabilis
na paggaod para mahabol ang bangkang sinasakyan ng mga anak subalit hindi
siya pinakinggan ng mga dalaga. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa
paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kaniyang mga anak, walang
nagawa ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari'y nakikidalamhati
rin sa kaniya maging ang kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng araw ay
biglang naparam at sa halip ay napalitan ng pagdilim ng himpapawid. Gumuhit
ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na dagundong ng kulog.
Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya't walang nagaya ang matanda kundi
umuwi na lamang.
Sa kaniyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkotna tahanan
ang kaniyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang
masagana. Wari'y sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa bubungan
ng kaniyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng kaawa-awang
matanda. Labis-labis ang kaniyang kalungkutan at pangunguliala sa kaniyang
mga anak. Sa kabila ng pagsuway na ginawa ng mga anak ay ang kanila pa ring
kaligtasan ang inalala ng ama lalo pa't masamang panahon ang kanilang
nasalubong sa paglalakbay.
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda.
Inisip niyang maaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil sa sama
ng panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol pa niya ang kaniyang
mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang nang siya'y nasa
laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa
pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito
siya nangisda kahapon at alam na alam niyang walang mga islang tulad nito
sa lugar na iyon nang nagdaang araw.








Alamat Ng Isla Ng Pitong MakasalananNoong Unang Panahon May Isang Matandang Mangingisdang May Pitonganak Na Dalaga Na Nainirahan Sa Isang Tahanang Nakaharap Sa class=

Sagot :

Answer:

1.pitong dalaga,ang matanda at pitong binata

2.ayaw niyang mapalayo ang kanyang mga anak

3.oo dahil iniisip niya ang kalagayqn ng kqnyang mga anak.

4.tinakasan nila ang kanilang ama para sumama sa mga binata.hindi maganda ang kinalalabasan.

5.kung ako ang isa sa mga dalaga sa kwento hindi ako sasama sa mga binata dahil mahal na mahal ako ng aking ama at walang kasama qng aking ama sa bahay dahil ayaw ko siyang masaktan.