IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

ano ang paliwanag ng "pagpapahayag ng mga damdamin​

Sagot :

Answer:

Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)

Halimbawa:

Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!

Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!

2. Maiikling Sambitla – Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:

Aray! Nasugatan ako ng patalim.

Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.

3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao

– Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon.

Halimbawa:

Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo.

Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng isang magulang ang isang

walang kamalay-malay na sanggol.

Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa isang pagtutunggali.

Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.

Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang bata.

Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol.

Sana makatulong kung nahahabahan kayo kayo na po bahala kung papaikliin niyo Grade naman yan:) Your Welcome;)