Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Answer:
Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa ibang anyo nito tuiad ng maikling kuwento at nobela. Isang likas na katangiang ikinatatampok ng sanaysay ay ang tahas na paglalaman nito ng pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na nakapukaw ng kanyang interes o damdamin (Baello, Garcia, Valmonte 1997). Hindi naman ito nangangahulugang ang ibang uri ng pagsasalaysay ay malaya mula sa opinyon o pagsusuri ng manunulat. Sadya lamang na sa estruktura, anyo, at ikli ng katawan ng isang tipikal na sanaysay ay mapapansin kaagad ang itinatampok na mga punto ng opinyon at argumento, lawak ng pananaw, at metikulosong pagsusuri ng manunulat.
Ang tahas na katangian ng sanaysay ay maaaring makapagdulot ng kalituhan sa iba’t ibang uri ng sanaysay at kayarian ng mga ito. Isa sa mga maaaring maging katanungan ng mga nagsisimulang manunulat ay kung dapat din ba itong taglayin ng isang Replektibong Sanaysay.