Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Answer:
Ang artikulo na ito ay tungkol sa lungsod ng Maynila. Para sa kalakhang pook o kabahagian, tingnan ang Kalakhang Maynila. Para sa makalumang lungsod, tingnan ang Intramuros. Para sa ibang gamit sa salita, tingnan ang Maynila (paglilinaw).
Maynila
Lungsod ng Maynilà
Lungsod
(Paikot sa kanan, simula sa taas): Panoramang urbano ng Maynila, Gusaling Panlungsod ng Maynila, Binondo, Palasyo ng Malakanyang, Simbahan ng Tondo, Look ng Maynila, Bantayog ni Rizal, Tanggapan ng Koreo ng Maynilata
(Paikot sa kanan, simula sa taas): Panoramang urbano ng Maynila, Gusaling Panlungsod ng Maynila, Binondo, Palasyo ng Malakanyang, Simbahan ng Tondo, Look ng Maynila, Bantayog ni Rizal, Tanggapan ng Koreo ng Maynilata
Watawat ng Maynila
Watawat Opisyal na sagisag ng Maynila
Sagisag
Palayaw: "Perla del Oriente", "The City of Our Affections", "City by the Bay", "La Insigne y Siempre Leal Ciudad"
Bansag: Ang Bagong Maynila
Manila, God First
Mapa ng Kalakhang Maynila na inilalarawan ng kinalalagyan ng Maynila.
Mapa ng Kalakhang Maynila na inilalarawan ng kinalalagyan ng Maynila.
Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong lungsod ng Pilipinas. Ito ang lungsod na may pinakamakapal na dami ng tao sa buong mundo. Ito ang kauna-unahang lungsod na kinikilala ayon sa Philippine Commission Act 183 na ipinasa noong ika-13 ng Hulyo, 1901 at naging awtonomo nang maipasa ang Batas Republika Blg. 409 o ang "Revised Charter of the City of Manila" noong ika-18 ng Hunyo, 1949.
Ayon sa 2015 senso, ito ay may populasyon na 1,780,148 sa may 409,987 na kabahayan.
Ang lungsod na ito ay nasa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na nasa kanlurang bahagi ng Luzon. Isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan ng humigit sa 19 na milyong katao.[2][4]
Ang Maynila, na sumasakop ng 42.88 na kuwadrado ng kilometro,[5][6] ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Mas matao nga lang ang lungsod Quezon na dating punong lungsod ng bansa. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya.[2]
Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hong Kong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singapore at mahigit 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Nahahati ang Maynila sa dalawa ng ilog Pasig. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.
Noong kapanahunan ng mga Kastila, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na pamayanan na pumapalibot sa nagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang orihinal na Maynila. Ang Intramuros na isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na haligi sa timog silangan, ay ginawa at dinisenyohan ng mga misyonaryong Heswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham.
Napalilibutan ang Maynila ng mga lungsod ng Navotas at Caloocan sa hilaga, Lungsod Quezon sa hilagang-silangan, San Juan at Mandaluyong sa silangan, Makati sa timog-silangan at Pasay sa timog.
Explanation:
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.