IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

ano ibig sabihin Ng kolonisasyon?


Sagot :

Answer:

Ang salitang kolonisasyon ay tumutukoy sa tuwiran at sapilitang pagsakop ng isang bansa sa isang mas mahinang bansa. Ito ay kadalasang nagaganap sa iba't ibang kadahilanan, subalit ang madalas na dahilan ay para sa pagpapalawak ng sakop na lupain, paghahanap ng likas na yaman at pagkalat ng relihiyon. Kapag ang isang bansa ay naging kolonya, ang pamamahala dito ay napupunta sa bansang kolonisador at nawawalan ng kalayaan ang mga mamamayan nito.

Ang kolonisasyon ay mayroong iba't ibang manipestasyon. Halimbawa, sa Pilipinas, sinakop tayo ng mga Kastila at dahil dito, malaking bahagi ng ating kasaysayan ang nawala. Gayunpaman, tayo ay pinalaya rin nila matapos ang halos 300 na taon.

Answer:

Kolonisasyon ang tawag sa paraan ng pananakop, kadalasan ng mga mayaman at makapangyarihang bansa, sa mga bansa, lupa, o teritoryo na hindi nila pagmamay-ari.

Explanation:

Ang pangunahing layunin ng kolonisasyon ay upang mapalawak ang teritoryo na nasasakupan ng isang bansa. Halimbawa nalang noong sinakop ng bansang Espanya an gating bansang Pilipinas.

Ang ibang mga rason naman ng kolonisasyon ay upang makuha ang mga likas na yaman ng isang bansa at magamit ng bansang mananakop ang mga ito para sa kanilang kabutihan at kaginhawaan. Ang iba naman ay nananakop dahil gusto nilang ipalaganap ang kanilang kultura, tradisyon, relihiyon, wika, at marami pang iba.