IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Ipaliwanag ang nagging epekto ng pananakop ng imperyalismong kanluranin sa asya​

Sagot :

Answer:

Ang mga naging epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa timog at kanlurang asya.

Sa pagdating ng mga Portuges, Olandes, at Briton sa Kanlurang Asya ay marami ang nagbago sa lipunan, kabuhayan, at pamumuhay ng mga tao sa Kanlurang Asya.

Edukasyon

• Nagkaroon ng sistemang pang-edukasyon na nakabatay ang pag-aaral sa wikang Ingles. At dahil sa kolonyalismo at imperyalismo ay  tumaas ang bahagdan ng mga mag-aaral na marunong bumasa at sumulat dahil sa kanilang pagpapatayo ng mga paaralan

Batas at mga karapatang pantao

• Ipinagbawal ng mga mananakop ang pang-aalipin at gawi ng mga katutubo ng rehiyon tulad ng pagpatay ng mga babaeng sanggol, dahil ditto sila ay nagpatupad ng mga karapatang pantao para sa mga mamamayang sakop ng kolonya.

Ekonomiya at mga karapatan

• Nagpatupad ang mga mananakop ng Sistema sa pagmimina at malawakang paghahanap ng mineral at langis sa rehiyon.

• Nagkaroon din ng malawang migrasyon at taggutom sa mga mamamayan

Mga imprastraktura

• Gumawa ang mga dayuhan ng mga daang bakal na pangkalakalan, mga modernong lansangan, linya ng telepono, telegrapo, pinabuting dam, dike at tulay. Ang pagbabago sa imprastruktura ang nagbigay daan sa modernong ekonomiya, komunikasyon, pamumuhay sa mga mamamayan ng rehiyon.

Simula noon ay tuluyan nang nagbago ang pamumuhay ng mga tao sa Kanlurang Asya. Gayunpaman, hindi lahat ng pagbabago ay nakapagdulot ng kabutihan sa mga kolonyang bansa. Katunayan, may mabubuti at masasamang epekto ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanlurang Asya.

PAMAHALAAN

• Dahil sa mga kilusan at samahang pagpapalaya, tuluyang nakamit ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang minimithing kalayaan.

• Magkakaiba ang mga naitatag na pamahalaan sa bawat bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

• Bawat pamahalaang naitatag sa Timog at Kalurang Asya ay may natatanging katangian at may layuning paunlarin ang bansa.

• Magkakaiba ang mga naitatag na pamahalaan sa bawat bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

• Bawat pamahalaang naitatag sa Timog at Kalurang Asya ay may natatanging katangian at may layuning paunlarin ang bansa

mga dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog Asya ay:

• Ilan sa mga dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog Asya ay:

o pagpapaunlad ng kaalaman sa heograpiya ng mundo

o pagnanais na makilahok sa maunlad na kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya na noon ay monopolyo ng Italya

o pangangailangan sa mga produktong mula sa Silangan

o unahan sa pagtuklas ng mga makabagong imbensiyon

o pagpapakita ng lakas at kapangyarihan ng bansa

• Ang Kolonyalismo at Imperyalismo ay nagdulot ng mga pagbabago sa lipunan, pamumuhay, at kabuhayan ng mga tao sa Timog Asya.

• Mayroong mabubuti at masasamang epekto ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog Asya

Kahulugan ng nasyonalismo