IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Basahin at unawain ang kuwento.
Si Osang at si Leona
Isang araw, namasyal ang usang si Osang sa kagubatan. Bigla siyang dinamba ng leong si Leona.
Nakiusap si Osang na huwag siyang kainin. Nag-isip ng paraan si Osang kung paano siya makakawala.
"Bago mo ako kainin ay may ipagtatapat akong lihim sa iyo", ang sabi ni Osang. "Anong lihim ang
ipagtatapat mo?" tanong ni Leona. "Pakawalan mo muna ako at sasabihin ko sa iyo", ang sabi ni Osang. Alam
mo, sa paglubog ng araw mamaya ay magugunaw na ang mundo. Lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa ay
mawawala, ngunit may paraan ako upang ikaw at ako ay makaligtas." sabi pa ni Osang. "Anong paraan upang
ikaw at ako ay makaligtas. Anong paraan ang gagawin mo para tayo makaligtas? ang tanong ni Leona.
Sumama ka sa akin sa punong iyon", yaya ni Osang. Nang marating nila ang puno, inutusan ni Osang si
Leona na sumandal sa puno, pagkatapos ay kumuha siya ng baging at itinali niya si Leona nang mahigpit sa
puno. Hoy! paano ako makaliligtas dito?" nagtatakang tanong ni Leona. "Hintayin mo lamang ang paglubog
ng araw at diyan tiyak ligtas ka", tugon ni Osang.
"Pakawalan mo ako rito", ang galit na galit na sabi ni Leona.
Pangiti-ngiti lamang na umalis si Osang. Walang nagawa si Leona.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang teksto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bakit dinamba ni Leona si Osang? Anong katangian mayroon si Leona?
2. Anong paraan ang naisip ni Osang upang siya ay makaligtas kay Leona?
Anong katangian ang taglay ni Osang?
3. Tama ba ang ginawa ni Osang na itali si Leona sa puno? Anong katangian ang ipinakita ng
mga tauhan sa kuwentong napakinggan?
4. Kung ikaw si Osang, ganoon din ba ang gagawin mo? Bakit?
5. Ano ang mahalagang mensahe para sa iyo ng pabula?​


Basahin At Unawain Ang KuwentoSi Osang At Si LeonaIsang Araw Namasyal Ang Usang Si Osang Sa Kagubatan Bigla Siyang Dinamba Ng Leong Si LeonaNakiusap Si Osang Na class=

Sagot :

Answer:

1. Bakit dinamba ni Leona si Osang? Anong katangian mayroon si Leona?

answer: dahil gusto sya nitong kainin.

Si Leona ay mabangis at nakakatakot , ngunit ito ay uto-uto.

2. Anong paraan ang naisip ni Osang upang siya ay makaligtas kay Leona?

answer:j sinabi nya kay leona na sa paglubog ng araw mamaya ay magugunaw na ang mundo. Lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa ay

mawawala.

Anong katangian ang taglay ni Osang?

answer:matalino at wais.

3. Tama ba ang ginawa ni Osang na itali si Leona sa puno? Anong katangian ang ipinakita ng mga tauhan sa kuwentong napakinggan?

answer: Oo,dahil ito ang paraan na naisip nya.

4. Kung ikaw si Osang, ganoon din ba ang gagawin mo? Bakit?

answer: Oo,,kailangan maging wais ka sa lahat ng oras.

5. Ano ang mahalagang mensahe para sa iyo ng pabula?

answer: Maging wais / matalino sa oras ng kapahamakan at wag masyadong takot lagi ang ipina-iiral.

Explanation:

#CarryOnLearning

#i hope its help