IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga eksperto at kuryusidad. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Pagpapalaganap ng knistiyanismo​

Sagot :

Answer:

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

1. PANAHON NG MGA KASTILA (PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO) LIT 103 – Panitikan sa Pilipinas

2. KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANAHON (1565-1872) • Marso 16, 1521 ~ naligaw ang pangkat ni Magallanes sa Pilipinas • Miguel Lopez de Legaspi ~ dumating makalipas ang 44 na taon ~ unang Gobernador Heneral • Espada at krus (cross on the right, sword on the other hand / God, gold and glory) • Pangunahing layunin: mapalaganap ang pananampalatayang Kristiyano

3. KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANAHON (1565-1872) Mga pagbabago: • Maka-relihiyon ang naging paksain ng panitikan • Ang mga akdang pampanitikan ay nagkaroon ng tatak ng relihiyong Kristiyano • Itinatag ang mga simbahan • Alibata ay pinalitan ng alpabetong Romano • Wikang Kastila ang naging wika ng literatura • Sinuri ang matandang literatura Kung di makakatulong sa pagpalaganap ng Kristiyanismo Sinunog dahil ang mga ito ay gawa ng diyablo

4. KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANAHON (1565-1872) Mga pagbabago: Itinatag ang mga paaralan •Naihasik ang kalinangan at kabihasnang Kristiyano at Europeo •Natutong manulad ang mga Pilipino Nagkaroon ng mga palimbagan •Naging gawaan ng mga aklat na isinulat ng mga prayle •Dominikano – pinakaunang nakapagpatayo nito

5. KATANGIAN NG LITERATURA Paksa •panrelihiyon •Pangkagandahang- asal •pangwika Anyo •patula •tuluyan Wika •Kastila •Tagalog •Ladino (bilingual)

6. KATANGIAN NG LITERATURA • Ayon kay del Rosario – Pineda (Panitikang Pilipino) Panrelihiyon ang karaniwang paksain Nagtataglay ng sari- saring kaanyuan at pamamaraan Ang lalong maraming akda ay gaya, huwad o kaya’y halaw sa anyo, paksa, o traidsyong Kastila. Walang orihinalidad. Bukod sa akdang panrelihiyon, marami ding aklat hinggil sa wika (gramatika, bokabularyo, mga tula at mga akdang ukol sa tula)

7. KILALANG MANUNULAT AT AKDA (MGA AKDANG PANRELIHIYON SA TAGALOG)

8. Doctrina Cristiana (P. Domingo Nieva at P. Juan de Plasencia, 1593) Kauna unahang aklat na may kinalaman sa ating kapuluan • Pater Noster • Ave Maria • Credo • Regina Coeli • Sampung Utos • Mga Utos ng Iglesia • Pitong Kasalanang Mortal • Labing-apat na Pagkakawanggawa • Pangungumpisal • Katesismo

9. Nuestra Senora del Rosario (P. Blancas de San Jose, 1602, Imprenta ng Santo Tomas) Mga nobena, santos ehersisyos, buhay ng mga santo, mga tanong at sagot sa relihiyon Barlaan at Josaphat (1708, 1712) Isang salaysay sa Bibliya na isinalin ni P. Antonio de Borja mula sa wikang Griyego Pinakaunang nobelang Tagalog Isinalin din ito sa wikang Iloko ni P. Agustin Mejia

10. Pasyon Aklat na tungkol sa buhay at pagpapasakit ng ating panginoong Hesukristo na sinulat nang patula ngunit paawit kung basahin Mga May Akda: P. Gaspar Aquino de Belen (1704) Don Luis Galan (1750) P. Mariano Pilapil (1814) Aniceto de la Merced (1856)

11. P. Mariano Pilapil (1814) May limang taludtud ang bawat saknong at ang sukat ng bawat taludtud ay wawaluhing pantig “Imbukasyon” O, Diyos sa kalangitan, Hari ng sangkalupaan Diyos na walang kapantay, Mabait lubhang maalam, At puno ng karunungan. P. Aniceto de la Merced (1856) May mataas na uri sa lahat. Unang bahagi: lalabindalawahing pantig ang bawat taludtud. Ang bawat saknong ay may apat na taludtud Unang Bahagi Ang Diyos ay Diyos karaka-raka na Kapagkaraka na ay tatlong persona: Se persona’y walang mahutli’t mauna Sapagkat ang tatlo ay Diyos na iisa. Ikalawang bahagi: wawaluhing pantig at binubuo ng limang taludtud. Ikalawang Bahagi O Poon ko’t Amang Diyos Katamis-tamisang Hesus Iyo pong ipagkaloob Na matamisin akong lubos Ang sa akin ay pag-ayop.

12. Urbana at Feliza nauukol sa pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Feliza. Natatala sa aklat na ito ang nakabibighaning asal ng Pilipino, gayon din ang masasagwang kilos na dapat nating ilagan. Mababasa rito ang mabubuting aral. Padre Modesto de Castro “Ama ng Tuluyang Klasika” at “Hari ng Tuluyan” Ipinanganak sa Binan, Laguna Mga mahahalagang sinulat: “Platicas Doctrinales” (1855, 1864, 1878), “Exposicion delas Siete Palabras en Tagalog”, “Coleccion de Sermones en Tagalog” at “Novena a San Isidro en Tagalog”

13. Mga Dalit kay Maria (P. Mariano Sevilla, 1852) Inaawit tuwing naghahandog ng bulaklak kay Birhen Maria tuwing Mayo (Flores de Mayo) Unang sumulat ng mga dalit si P. Mariano Sevilla, na taga-Tundo, noong 1852. Noong 1865, isinulat niya ang dalit na pinamagatang “Flores de Mayo” na hinalaw niya sa mga awiting Italyano na para sa ganitong mga pagkakataon.

14. MGA AKDANG PANRELIHIYON SA ILOKO

15. Doctrina Cristiana (salin sa Iloko ni P. Fransisco Lopez) Pasion ng Mahal na Hesukristo (salin ni P. Antonio Mejia) Sermones Moralo (salin ni P. Jacinto Guerrero) Escudos del Cristiano (salin ni P. Guillermo Sebastian) Mga Sandaang Tulang Panrelihiyon Animnapung Nobena