Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Una, naiiba ang kulturang Pilipino sa kulturang Amerikano sa pananamit. Noong ako ay nakatira sa Pilipinas, ang mga kababaihan ay hindi nakasuot ng maikli na palda. Dapat hanggang tuhod palagi ang kanilang mga damit, lalung-lalo na kapag pumupunta sa simbahan at kahit na rin kapag namamasyal lamang. Mayroon kasing kasabihan sa kulturang Pilipino na ang mga babae ay dapat konserbatibo palagi ang suot para hindi sila magmukhang mga babae na mababa ang lipad. Itinataguyod ang kasabihan na ito ng mga matatanda kaya malakas ang epekto nito sa mga kababaihan. Sa kabilang dako, ang kulturang Amerikano naman ay nakapaiba sa mga Pilipino sa aspeto na ito. Dito sa Amerika, ang mga kababaihan ay malaya nasuotin kung anong gusto nila. Maikli man ang palda o hindi, tanggap ng lipunan ang kahit na ano dahil tinataguyod dito ang kalayaan ng mga tao na ipahayag ang kanilang sarili sa kahit anong paraan.Bukod pa sa pananamit, napakainteresante din kapag ihahambing ang takbo ng oras sa kulturang Pilipino sa kulturang Amerikano. Sa Pilipinas, parang ang bagal tumakbo ng oras. Kumpara sa Amerika, walang panggabing buhay ang Pilipinas. Halimbawa, alas otso ng gabi pa lamang ay tulog na ang karamihan. Dito sa Amerika, ang gabi ay nagsisimula pa lamang ng alas diyes ng gabi. Maraming kasiyahan ang nagaganap kahit na sa hatinggabi lalo na dito sa siyudad ng Los Angeles. Sa tingin ko, kaya marahas ang pagkakaiba ng dalawang kultura ay dahil ang inihahambing ko ay ang kultura ng probinsya ng Bohol na pinaglakihan ko. Ito ang itinuturing ko na kulturang Pilipino kapag sinasabi kong “kulturang Pilipino” at sigurado ako na iba ang kultura sa Bohol kumpara sa Maynila kung saan mas maunlad at mabilis ang pamumuhay ng mga tao. Gayon pa man, iba pa rin ito kumpara sa kultura dito sa Amerika.
Ikatlo, napansin ko rin na iba ang pagtrato ng mga kabataan sa kanilang mga magulang dito sa Amerika kumpara doon sa Pilipinas. Sa Pilipinas, iginagalang ang mga matatanda sa lipunan at karaniwan, sila ang makapangyarihan sa pamilya. Pero, dito sa Amerika, ang mga matatanda ay hindi tinatrato nang mabuti. Halimbawa, kapag ang kanilang mga anak ay mayroon nang sariling trabaho at pamilya, sila ay inilalagay na lang sa mga “nursing home” kasi ang banat ng karamihan, wala na raw silang oras mag-alaga sa kanilang mga magulang. Nakakalungkot isipin ang ideya na ito dahil ang malaking parte ng buhay ng mga Pilipino ay pamilya at ang kanilang mga magulang. Ang hiling ko lang ay sana hindi maimpluwensyahan ang aking mga kaibigan na lumaki rin sa Pilipinas kagaya ko sa aspeto na ito ng kulturang Amerikano. Mahal na mahal ko ang aking mga magulang at ang hiling ko sa sarili ko ay mapunan ko ang kanilang buhay kapag sila ay matanda na kagaya ng pag-aaruga nila sa akin ngayon na ako ay bata pa.
pabrain'liest ako thanks!
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.