Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

mga katangian heograpiya ng daigdig?​

Sagot :

Answer:

Eratosthenes

- isang Greek scientist, mathematician, at astronomer

- "Ama ng Heograpiya"

- dahil siya ang ipinapalagay naunang gumamit ng salitang "heograpiya"

Heograpiya

- nagmula sa salitang Greek na "geographia" na nangunguhulugang "paglalarawan sa daigdig

- ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig

Heograpo

- nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng heograpiya

Kasaysayan

- nakaapekto ang heograpikal na kalagayan sa kung paano naganap ang mga pangyayari sa kasaysayan

Agham Pampolitikal

- ang pagtatakda ng hangganang politikal ng isang bansa

Sosyolohiya

- ang pagbuo at pag-unlad ng mga pamayanan ay nakasalalay rin sa lagay ng kapaligiran nito

Ekonomiks

- mahalagang salik ang likas na yaman, vegetation, klima, at topograpiya ng isang teritoryo sa kabuhayan ng mga naninirahan dito

Limang Tema ng Heograpiya

- gamit ang mga temang ito upang higit na mapaghusay ang paraan ng pag-iisip ng tao tungkol sa kaniyang ginagalawang daigdig.

- layon nitong mailarawan ang paggamit ng espasyo sa daigdig upang higit na maunawaan ang mga isyung lokal, pambansa, at pandaigdig.

Lokasyon

- "Nasaan ito?"

- pagtukoy ng kinaroroonan at distribusyon ng tao at lugar sa daigdig

- dalawang paraan: tiyak na lokasyon at relatibong lokasyon

Tiyak na Lokasyon

- natutukoy sa pamamagitan ng paglandas ng line of latitude at line of longitude.

- Sistemang Grid

Sistemang Grid

- tawag sa sistemang ito ng pagtukoy ng lokasyon batay sa pinagkrus na line of latitude at line of longitude.

Relatibong Lokasyon

- pagtukoy ng kinaroroonan ng isang tao o lugar sa pamamagitan ng mga nakapaligid dito

Lugar

- "Anong mayroon dito?"

- nagsasaalang-alang sa pisikal at kultural na katangian ng isang lugar na kaiba sa iba pang lugar sa daigdig

- dalawang aspekto: pisikal at pantao

Pisikal na Katangian

- tumutukoy sa likas na kapaligiran ng isang lugar tulad ng kalupaan, katubigan, vegetation, klima, at likas na yaman

Katangiang Pantao

- may kinalaman sa idea at gawi at kultura ng tao, tulad ng kabuhayan

HOPE THIS HELPS

dont forget to hit the brainliest