Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Answer
ANG KABIHASNANG TSINO
Explanation
2. Tinagurian ang Tsina na isa sa mga dakilang bansa dahil sa kanyang kabihasnan at nakasulat na kasaysayan sa loob ng apat na libong taon. Kilala ang Tsina sa katawagang “Natutulog na Higante” dahil sa matagal na panahong hindi nito pakikisalamuha sa ibang kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga dayuhan. Diumano, nagkaroon ng xenophobia o pagkatakot sa mga dayuhan ang mga Tsino kaya ipininid nito ang kanyang mga pintuan sa mga dayuhan.
3. HUANG HO RIVER Dito umusbong ang kabihasnang China Nagmula sa kanlurang China at may habang halos 3,000 milay at dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Yellow River River of Sorrows
4. MGA DINASTIYA SA SINAUNANG TSINA Hsia Shang Chou Qin o Ch’in Han Sui T’ang Yuan Ming Sung
5. HSIA (200 B.C. – 1600 O 1500 B.C.) Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho ang itinuturing na pinakauna sa kasaysayan ng Tsina. Nakabatay sa tradisyon ang mga tala tungkol sa dinastiyang ito. Pinamunuan ito ng mga paring-hari na pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong kalendaryo na ikinamangha ni Confucius noong panahon ng Han kung kaya’t binuhay niya ang paggawa at paggamit nito.
6. Wala pang mga ebidensyang nahukay ang mga arkeologo na nagpapatunay sa dinastiyang ito.
7. SHANG (1700-1200 B.C.) Sila ang mga unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina. Nakasentro ang kanilang kabihasnan sa lambak ng Huang Ho. Nakabuo sila ng mataas na antas ng lipunan na pinamumunuan ng aristokrasya.
8. KULTURA Naniniwala ang mga Tsino noong panahong ito na taglay ng kanilang pinuno ang bisa ng “Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan” na batayan ng kanilang pamumuno. Kapag nawala na ang bisa nito, babagsak ang pinuno at papalitan ng bago. “Sons of Heaven o Anak ng Langit” ang tawag sa mga sinaunang pinuno sa China.
9. Ibig sabihin, ang Emperador ay namuno sa kapanhiltulutan ng dahil, pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapang-abuso, ang kapanhitulutang ito ay babawiin ng kalangitan.
10. PALATAANDAAN NG PAGBAWI NG LANGIT SA KAPANGYARIHAN NG EMPERADOR Lindol Bagyo Tag-tuyot Peste Digmaan sa Imperyo Kaguluhan
11. KOWTOW Ang pagyuko sa Emperador ng tatlong beses kung saan ang noo ay humahalik sa semento.
12. Pinaghalong animismo at pagsamba sa mga ninuno ang kanilang relihiyon. Kaugnay nito, naniniwala sila sa oracle bone reading panghuhula sa pamamagitan ng pagbasa ng mga nakaukit sa buto ng hayop o bahay ng pagong.
13. Malimit ang pagsasakriprisyo ng mga tao lalo na pag may isang pinuno ang namatay. Ang mga tao ay kadalasang isinasama sa isang maragyang libingan ng mga yumaong pinuno. Nang lumaon ang mga sumunod na dinastiya ay gumamit na lamang nga mga piguring hawig sa tao n gawa sa terracotta. Pinababaunan ng mga kagamitan at mga alipin ang yumaong pinuno na inaasahang maghahari pa rin sa kabilang buhay.
14. Calligraphy o kaligrapo ang uri ng pagsulat na naitatag ngmga Shang. Pictogram o mga larawan ang kanilang gamit sa calligraphy na dikit- dikit ang pagkakasulat upang makabuo at maipakita ang ideya. Gumamit ng elepante bilang sasakyang pandigma gayundin ng karwaheng hila ng kabayo.
15. EKONOMIYA Pagsasaka ang pangunahing industriya ng mga Shang. Umani sila ng millet, palay, at barley. Sila ang maituturing na unang pangkat na natutong kontrolin ang pagbaba ng ilog Huang Ho sa pamamagitan ng sistemang irigasyon. Nag-alaga dito na baka, baboy, manok, at aso. Natutong mag-alaga ng uod bilang pagkukunan ng seda (silkworm) na tanging Tsina lamang ang marunong gumawa sa buong daigdig noong sinaunangpanahon.
16. Marunong maghulma ng bronse upang gawing mga gamit. May kasanayan sa paggawa ng mga alahas mula sa jade. Ang mga artisanong Shang ang nagpasimula ng paggawa ng mga seramika gamit ang kaolin, isang uri ng maputing putik.
17. SANHI NG PAGBAGSAK Naging masama at makasarili ang mga huling pinuno. Nilusob ng mga Chou, mga barbaro mula sa lambak ng We sa kanlurang bahagi ng Tsina.
18. AMBAG SA KABIHASNAN Paggamit ng tanso Paggamit ng elepante at karwaheng hila ng kabayo bilang mga sasakyang pandigma Sistemang irigasyon at pagkontrol sa tubig- baha Nakaimbento ng kalendaryong lunar na sampung araw ang pinakamalaki – anim na tigsasampung araw ang bumubuo ng 360 araw sa loob ng isang taon.
19. CHOU (1122-256 B.C.) Nagmula ang mga Chou sa kanlurang bahagi ng Tsina ngunit direktang namuno sa hilagang bahagi lamang nito, sa pangunguna ni Wu Wang, ang nagtatag nito. Naghari sa loob ng 900 taon, ito ang itinuturing na pinakamahaba at pinakadakilang dinastiya sa Tsina. Sa panahong ito naging matatag at permanente ang pamahalaan bilang isang institusyon
20. PAMAHALAAN Pinamunuan ng emperador katulong ang limang ministro o mand21. Emperador ministro ng digma (Mandarin of Summer); ministro ng seremonya (Mandarin of Ceremonies) punong ministro (Mandarin of Heaven); Ministro ng publikong paggawa (Mandarin of Winter) ministro ng krimen
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.