Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

ano ang kasaysayan ng bhutan


Sagot :

Ang Kaharian ng Bhutan ay isang bansang walang pampang na nasa mga bundok ng Himalaya, sa pagitan ng India at Tsina sa Timog Asia. Druk Yul ang lokal na pangalan ng bansa. Tinatawag din na Druk Tsendhen (lupain ng dragong kulog), dahil sinasabing katunog ng ungal ng mga dragon ang mga kulog doon. Sa kasaysayan, kilala ang Bhutan sa maraming pangalan, katulad ng Lho Mon(katimogang lupain ng kadiliman), Lho Tsendenjong (katimogang lupain ngcypress), at Lhomen Khazhi (katimogang lupain ng apat na mga paglapit). Hindi malinaw ang pinagmulan ng pangalang Bhutan; inimungkahi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na maaaring nagmula sa baryasyon ng mga salitang Sanskrit na Bhota-ant (ang dulo ng Bhot – ang ibang salita para sa Tibet), o Bhu-uttan (mataas na mga lupain). Tinatayang ginagamit ang salitang Bhutan bilang pangalang noong huling bahagi ng ika-9 na siglo BC.Isa ang Bhutan bilang sa pinakabukod at pinakahuli sa mga sumusulong na mga bansa sa mundo. Labis na nililimitahan ng pamahalaan ang turismo at impluwensiyang banyaga upang mapanatili ang tradisyunal na kultura. Binubuo ang tanawin ng mga subtropikal na mga kapatagan hanggan sa mga kataasan ng Himalaya, na hihigit sa pitong libong metro. Mahayana Budismo ang relihiyon ng estado at kinabibilangan ng kalahati ng populasyon ng bansang ito. Thimphu ang kapital at pinakamalaking bayan.