IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

5 halimbawa ng kawikaan

Sagot :

Ang Limang halimbawa ng kawikaan ay ang mga sumusunod:

  1. “Maniwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan.” - Kawikaan 3:5
  2. “Mapalad ang tao na nakakatamo ng karunungan,at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.” - Kawikaan 3:13
  3. “Siyang lumalakad na kasama ng marunong ay magiging marunong, ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.” – Kawikaan 13:20  
  4. “Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan” – Kawikaan 17:17
  5. “Ang pasimula ng pagtatalo ay gaya ng isang nagpapakawala ng tubig; kaya bago sumiklab ang away, umalis ka na” - Kawikaan 17:14  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa paksa, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/310697

Uri ng Kawikaan

  • Salawikain
  • Sawikain o idioma
  • Motto

Ang kawikaan ay karaniwang galing sa Bibliya o kaya naman sa karanasan ng tao. Maaari rin na galing sa mga kilalang personalidad tulad ng mga lider  na nagmarka sa ating lipunan. Ang kawikaan ay isang simple at konkretong sinasabi, ito rin ay sikat o kilala at paulit-ulit na nagpapahayag ng katotohanan batay sa mga praktikal na karanasan ng tao.  Ang kawikaan ay may dalang aral at kaalaman sa mga mambabasa nito. Ang kawikaan ay galing sa mga pasalin-salin ng henerasyon o sa mga ninuno natin.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa paksa, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/2058797

https://brainly.ph/question/1490172