IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

mga batas ni elpidio quirino

Sagot :

Sa ilalim ng pamamahala ni Elpidio Quirino, nagkaroon ng rekonstruksiyon ng ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kanyang pamunuan, maraming mga pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang imprastrukturang industriyal.

Dahil mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig din niya ang mga sistemang irigasyon, ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante.

Siya din ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.