Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

mga halimbawa ng epiko

Sagot :

Answer:

Ano ang Epiko

Ang epiko (epic) ay mula sa salitang Griyego na may kahulugan na salawikain, ay isang uri ng panitikan o kwento sa pamamagitan ng tulang pasalaysay na patungkol sa kabayanihan, pakikipagsapalaran at pakikipagtunggali ng isa o grupo ng pangunahing tauhan laban sa mga kalabang masasama ang loob. Ito ay pinagbibidahan ng mga bayani (heroes) na siyang protagonist ng kwento.

Para sa karagdagang impormasyon tingnan dito https://brainly.ph/question/369141

Katangian ng Epiko

1. Ito ay nagtataglay ng mga mahiwaga o mga di kapani-paniwalang mga pangyayari o tauhan

2. Karaniwan ito ay kuwento g paglalakbay at pakikipag-digmaan

3. Karaniwan na may haba mula sa 1,000 hanggang 5,000 na linya kaya’t kapag itinanghal ito ay maaaring abutin ng ilang oras o minsan tumatagal ng ilang araw

Mga Elemento ng Epiko

1. Tauhan – ang mga nagbibigay buhay sa kwento na karaniwang nagtataglay ng kapangyarihan o di karaniwang lakas. Bawat isang tauhan ay nagpapakita ng kaugalian, paniniwala at mithiin ng may kaugnayan sa bansa o lugar kung saan ito nagmula.

2. Tagpuan – ito ay nagbibigay linaw sa paksa, banghay at tauhan. Ito din ang lugar o panahon na kinikilusan ng tauhan. Sumasalamin ito sa bansa o pook na pinagmulan nito at sa estado at ng usaping panlipunan sa kasalukuyang panahon kung kalian ito nilikha.

3. Banghay – ito ay ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa epiko. Ito ay pwede ring maging payak o komplikado.

4. Matatalinghagang pananalita – ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga salitang hindi lantaran ang kahulugan.  

Para sa karagdagang impormasyon tingnan dito https://brainly.ph/question/382825

Mga Halimbawa ng Epikong Pilipino o Katutubo

Biag ni Lam-angEpiko ng mga Ilokano – ito ay ang pinakatanyag na epiko sa bansa. Ito ay tungkol sa isang bata na noong ipinanganak ay mayroon ng kamalayan at karunungan sa pagpipili at pagdesisyon.  

Bidasari Epiko ng Maranao

Ibalon Epiko ng Bicol – ito ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog na nanggagaling pa sa lupain ng Batawara at nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo, si Handiong at Bantong na mga kaibigan ni Baltog na tumutulong sa kanya sa pagtatanggol sa bayan sa masasamang elemento. Ang Ibalon ay ang matandang pangngalan ng Bikol.  

TuwaangEpiko ng mga Bagobo na ginagawa bilang libangan tuwing may libing, kasal, ritwal ng pagpapasalamat para sa masaganang ani o matagumpay na pangangaso. Mayroong higit sa 50 na mga kanta ni Tuwaang ngunit dalawa pa lamang sa mga ito ang nailathala – ang “The Maiden of the Buhong Sky” at “Tuwaan Attends a Wedding

Parang SabirEpiko ng mga Moro

Indarapatra at SulaymanEpiko ng mga Muslim - ang paglalaban ng mga dambuhala

Bantugan - Epiko ng mga Muslim – tungkol sa pakikipagsapalaran ni Prinsipi Bantugan na kapatid ni Haring  Madali sa kaharian ng Bumbaran. Dahil sa inggit ng hari angking katapangan at kakisigan ng prinsipi na humahalina at umaakit ng atensyon sa mga kadalagahan, ay ipinagbabawal ng hari ang pakikipag-usap sa kanyang kapatid. Ng dahil sa natamasang kalungkutan ay namatay si Bantugan ngunit binawi ng Hari Madali ang kanyang kaluluwa at muli itong nabuhay. Nang lusubin ng Haring Mikoyaw ang kanilang kaharian ay pinuksa ni Bantugan ang lahat ng mga kawal ng kaaway at nailigtas niya ang kanilang kaharian. Magmula noon, nawawal na rin ang inggit ng hari sa kaniyang kapatid at namumuhay silang masaya.  

Maragtas Epiko ng Visayas – ito ay hinggil sa sampung datung Malay na tumakas sa kalupitan ng Sultang Makatunaw ng Borneo at sama-samang nakarating sa Panay. Ang pulong ito ay binili nila sa haring Agta na si Marikudo.

Darangan Epiko ng Mindanao

Haraya – ay katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang-asal at ng mga salaysay na panghalimbawa sa mga nasabing tuntunin.

Hinilawod – ito ay tungkol sa Panay na pinagmula ng Capiz, Iloilo at Antique. Ito ay binubuo ng mga pakikipagsapalaran ng tatlong anak na lalaki ng bathalang babaing si Alusina at ng mortal na si Paubari. Inaawit ito ng isang Hinukot sa mga kasalan, anihan, pista, lamayan at iba pang mahahalagang okasyon

Para sa karagdagang impormasyon tingnan dito https://brainly.ph/question/149927

Mga Halimbawa ng Epikong pandaigdig

Epiko ng Gilgamesh

• Illiad at Odyssey

• The Divine Comedy

• The Song of Roland

• Beowolf