Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

bakit sinulat ni Balagtas ang Florante at Laura

Sagot :

BAKIT ISINULAT NI BALAGTAS ANG FLORANTE AT LAURA

  • Sa labis na pagdurusa ni Francisco “Balagtas” Baltazar, naisulat niya ang Florante at Laura at dahil na rin sa sa pag-ibig niya kay Selya. At ang pag-iibigang iyon ang nagbigay ng gulo sa kanyang buhay.
  • Pinagbintangan siya sa isang bagay na hindi niya ginawa at pinakulong siya ng walang kasalanan at katarungan ng kanyang karibal na si Nanong Kapule na may mataas na katungkulan sa bayan noong panahon ng kastila.
  • Sa kagustuhan ni Kapule na hindi na makahahadlang si Balagtas sa kaniyang panunuyo kay Maria Asuncion Rivera ay ipinakulong niya ito. Walang nagawa si Baltazar kundi ang pagdusahan ang isang bagay na hindi naman niya ginawa. At dumagdag pa sa kaniyang dalahin nang mabalitaang nagpakasal na ang babaing kaniyang pinakamamahal sa kaniyang karibal na si Nanong Kapule.  
  • Pinaniniwalaang sa loob ng selda isinulat ni Balagtas ang kaniyang ‘Florante at Laura’.  
  • Ito ang kanyang obra maestra na nagsisiwalat sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino.
  • Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kanyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw na buhay, sa katarungan, pagpapalaki sa anak, sa pagmamahal, paggalang sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga, sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa kaniyang Obra, tinagurian siyang “Hari ng Makatang Pilipino.”
  • Isinulat ni “Balagatas” ang Florante at Laura noong 1838 sa panahon sa pananakop ng mga Espanyol. Sa panahong ito, ipinatupad ng mga Espanyol ang sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol. Bunga ng pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya’y sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyano na tinatawag ding Komedya o Moro-moro, gayundin ang mga diksyonaro at aklat-panggramatika.
  • Relihiyon at ang paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ang ginamit na tema ni Balagtas bagamat naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura. Ito ang dahilan kung bakit nagtagumpay siyang mailusot ang Obra sa mahigpit na sensura ng mga Espanyol. Gumamit siya ng alegorya kung saan masasalamin ang mga nakatagong simbolismo at mensahe na kakikitaan ng pagtuligsa sa kalupitan ng mga kastila. Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya na kasasalaminan sa mga pang-aabuso at pagmamalupit sa Pilipinas.  
  • Ayon kay Lope K. Santos, may apat na himagsik naghari sa puso at isipan ni Balagtas: (1) ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan; (2) ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya; (3) ang himagsik laban sa mga maling kaugalian; (4) ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.  

Bakit sinulat ni Balagtas ang Florante at Laura

brainly.ph/question/1364635

brainly.ph/question/512697

brainly.ph/question/512698