ang koloyalismo ay nagnula sa salitang latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka. ito ay isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes. Samantalang ang imperyalismo naman ay nagmula sa salitang latin na imperium na ang ibig sabihin ay command. isang salitang latin na nag pasimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng imperyong roma. ang imperyalismo ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pangpolitika, pangkabuhayan at pang kultural na pamumuhay ng mahihina at maliliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.