Naku! marami talagang mga epekto kung tataas ang presyo ng langis sa ating pamumuhay. Isa sa mga iyan, ay ang pagtaas ng iba pang mga produkto! Para mas maintindihan niyo, ganito ang siwasyon! Sa iyong istor, nagbebenta kayo ng bigas, nalaman niyo na lang na tumaas ang presyo ng langis. Kailangan ng isang "vehicle" para ma"transport" yung mga bigas niyo papunta sa inyong tindahan. Kaso, tumaas yung presyo ng langis, kaya tumaas rin iyong dapat ibayad para sa iyong truck. Dahil diyan, nag-isip kayo na dapat pata-asin rin iyong presyo ng inyong bigas na ibebenta kasi tumaas rin niyong kailangan ibayad. Dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, tumataas rin iyong presyo ng iba pang mga produkto kagaya ng isda, bigas, prutas, at iba pa. Ang pagtaas ng presyo ng langis ang puno't dulo talaga dito.