May mga ekspresiyong naghahayag ng konsepto ng pananaw o “point of view”.
Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/ akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
Mga halimbawa:
Ayon/ Batay/Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Ano ang ibig sabihin ng konsepto-https://brainly.ph/question/346994
Ano ang kahulugan ng pananaw-https://brainly.ph/question/359199