IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Kahulugan ng payak,inuulit,tammbalan at maylapi?









Sagot :

Apat na Uri o Klase ng Pang-Uri:

1)Payak - nangangahulugan ng pagiging simple. Isang uri ng pang-uri na naglalaman ng salitang-ugat lamang o rootword sa Ingles.
                    Hal.      -Puti         -Itim         -Lamig
                                  -Init          -Kinis       -Gaspang

2)Maylapi - pang-uri na binubuo na salitang ugat at ng panlapi(Unlapi,Gitlapi, at Hulapi).
                     Hal.       -Maputi      -Maitim      -Malamig
                                  -Mainit        -Makinis    -Magaspang

3)Inuulit - pang-uri na nagpapakita ng salitang-ugat na inuulit para tuuyin ang isa pang ideya.
                     Hal.        -Puti-puti       -Itim-itim        -Lamig-lamig
                                    -Init-init         -Kinis-kinis     -Gaspang-gaspang

4)Tambalan - pang-uri na binubuo ng dalawang magkaibang salita o pinagtambal na salita. Dalawang magkaibang salita na kapag pinagsama ay bumubuo ng panibagong ideya.
                     Hal.        -Silid-aklatan        -Silid-aralan        -Tala-arawan
                                    -Bukas-palad       -Balat-sibuyas     -Abot-kamay

Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.