IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang ibig sabihin ng cabeza de barangay

Sagot :

Ang cabeza de barangay ay ang pinuno ng baryo noong panahon ng mga Kastila. Sila ang pumalit sa mga pinunong datu at katumbas ngayon ng kapitan ng barangay. 

Tinatawag ding Teniente del Barrio, siya ay maaari lamang magmula sa mga prinsipalya o mag-anak ng mga datu at mayayamang pamilyang mestisong Tsino at Espanyol.

Marami ang katungkulan ng isang cabeza de barangay. Siya ang pangunahing tagapamahala sa mga nayon, tagakolekta ng mga buwis, at tagatipon ng mga trabahador mula sa mga karaniwang tao para sa pamahalaang Espanyol.