IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Kaibahan ng Denotasyon at Konotasyon
Ang denotasyon at konotasyon ay ang dalawang paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa isang salita. Ang denotasyon ay tumutukoy sa literal o totoong kahulugan ng salita. Ito ang kahulugan na makukuha sa diksyunaryo. Ang konotasyon naman ay tumutukoy sa pansariling kahulugan ng tao o grupo sa isang salita. Ito ay iba sa pangkaraniwang kahulugan.
Mga Halimbawa ng Denotasyon at Konotasyon
Upang mas maunawaan ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon, nasa ibaba ang ilang salita. Makikita rito ang denotasyon at konotasyon na kahulugan ng isang salita.
- Bola
Denotasyon: bilog na laruan
Konotasyon: matamis na dila
- Buwaya
Denotasyon: reptil na nakatira sa tubig at latian
Konotasyon: taong mapanlinlang o gahaman
- Gintong kutsara
Denotasyon: kutsara na ginto
Konotasyon: mayaman
- Nagsusunog ng kilay
Denotasyon: sinusunog ang kilay
Konotasyon: nag-aaral ng mabuti
- Ahas
Denotasyon: reptil na walang paa at makamandag
Konotasyon: traydor
Karagdagang halimbawa ng denotasyon at konotasyon:
https://brainly.ph/question/2513081
https://brainly.ph/question/2156425
#LearnWithBrainly
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.