Ang pananakop ay isa sa mga sinaunang paraan ng mga bansa sa pagpapalawak ng kani-kanilang mga teritoryo. Kaya naman karamihan sa mga bansa ay pinatatatag ang kanilang depensa kagaya nalang ng nangyari sa kanlurang Asya. Nabigo sila sa pagkubkob dito dahil nasa ilalim ito ng imperyo ng Ottoman, isa sa mga kilalang makapangyarihang imperyo noon. Lubha nilang pinagtibay ang kanilang depensa para walang sinuman ang magkakaroon ng kakayahang sumupil at sumakop sa kanila.