Makakuha ng eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isat isa

Sagot :

Answer:

ANO ANG KATANGIANG PISIKAL NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN ANG  MAY PAGKAKATULAD SA ISA’T –ISA

Ang kabihasnan o sibilisasyon ay lipunan ng isang pangkat ng tao na nakararanas ng pag-unlad sa kanilang paniniwala, pamumuhay, kultura, at kasaysayan. Malaki ang papel na ginampanan ng mga kabihasnan sa Sinaunang Asya sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa buong mundo. Ang kabihasnan ang nasisilbing modelo pagtatatag at pamamalakad ng lipunan hanggang sa kasakuyan.

May limang pangunahing katangian ang isang kabihasnan:

1. Maunlad na Kasanayang Teknikal

2. Matatag na Pamahalaan at Sistema ng mga Batas

3. Mga Dalubhasang Manggagawa

4. Maunlad na Kaisipan

5. Sistema ng Pagsusulat at Pagtatala

Mga Katangian ng Kabihasnan

Mayroong limang pangunahing katangian ang isang kabihasnan.

Maunlad na Kasanayang Teknikal

Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mayroon nang kasanayang nakatutulong sa kanila sa paghahanap ng pagkain, paggawa ng mga kasangkapan at armas, at sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan tulad ng sumusunod:

• pangangaso

• pag-iimbak ng pagkain

• pagsasaka

• paghahayupan

• paggawa ng tanso at bakal

• paglikha ng kagamitan

• paglikha ng mga sandata

• paggawa ng mga dike at kanal

Ang mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa Asya ay mauunlad at kilala sa mga naging ambag ng mga ito sa mga sibilisasyon sa buong mundo.

Mayroong tatlong pangunahing kabihasnan na umusbong sa panahon ng Sinaunang Asya−

1. Kabihasnang Sumer sa Kanlurang Asya

2. Kabihasnang Indus sa Timog Asya

3.  Kabihasnang Tsina sa SIlangang Asya

Kabihasnang Sumer       - Umusbong sa lambak ng Mesopotamia sa pagitan ng mga ilog.

   

Ang Kabihasnang Indus -  umusbong sa lambak malapit sa Ilog Indus noong 2,700 B.C.

Kabihasnang Shang-  umusbong sa lambak sa pagitan ng mga Ilog Huang Ho at Yangtze sa Sinaunang Tsina.

1. Ang tatlong kabihasanang sumibol noon at umusbong sa mga lambak at ilog.

2. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng tatlong kabihasnan.

3. Parehong may mga pari na namumuno sa kanilang lipunan sa Sumer at Indus ngunit sa syang ay Piyudalismo ang namahala

4. Ang tatlong kabihasnan ay sumasamba sa mga hayop.

5. Ang Sumer at Indus ay pari o hari ang namamahala samantalang sa Syang ay  pinamumunuan ng emperador.

6. Ang dalawang lipunan ay  may Sistema ng pagsulat,ito ay ang kabihasnang Sumer at Insus. Ang shang ay walang Sistema ng pagsulat.

Sa  Sumer ay tinatawag na cuneiform

• binubuo ng ng 500 pictograph at mga simbolo

• Isinusulat sa tabletang luwad gamit ang stylus

o Sa indus ay tinatawag na dholavira

• ang mga ebidensya ng pagsulat ay mga selyo na may pictogram upang kilalanin ang mga paninda.

Pagbagsak ng Sibilisasyon

7. Kawalan ng sapat na depensa mula sa mga mananakop

8. Mahinang pamahalaan dahil sa nag-aalitang mga pinuno at mga tagasunod

9. Kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan

10. Pananakop ng higit na malakas na pangkat ng tao

11. Ang tatlong sibilisasyon at parehong bumagsak ang sibilisasyon

Dahilan ng Pagbaksak ng Sumer

• Kawalan ng sapat na depensa mula sa mga mananakop

• Mahinang pamahalaan dahil sa nag-aalitang mga pinuno at mga tagasunod

• Kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan

• Pananakop ng higit na malakas na pangkat ng tao

Dahilan ng Pagbagsak ng Indu

• dumating ang mga Aryan na tumawid sa mga lagusan sa kabundukan ng Hindu Kush at sinakop ang lungsod-estado

Dahilan ng Pagbagsak ng mga Syan

• bumagsak ang mga dinastiya dahil sa korupsiyon at mapagsamantalang mga pinuno

• paghina ng mga pinuno at pananakop ng mga Barbaro

12. Ang tatlo ay mayroong pamana sa Daigdig

             Pamana ng Sumer  

• Nakalikha ng unang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform

• Nakaimbento ng gulong

• Unang nakalinang ng pamahalaang lungsod-estado

• Kalendaryong lunar

• Templong ziggurat

• Unang gumamit ng alloy bronze

• Nakagawa ng mga pasong sisidlan

• Nakapagsulat ng maunlad na sistema ng batas tulad ng Code of Hammurabi

• Naglimbag din sila sa pag-aaral ng mga sumusunod: Mathematics, Astronomy, at Agham

Pamana ng Indu

•     May mataas na antas ng kaalaman sa paglikha ng mga bagay

• Mga putting mud-bricks para sa mga gusali

• Mga lupain sa pagsasaka na tinaguriang “excavated farming villages”

• Eksaktong pagsusukat sa Agham o Science (mass, length, at volume)

• Plank-built watercraft para sa transportasyon

• Sistema ng pagsulat na tinatawag na dholavira

         Pamana ng Syang

• paggamit ng barya at chopsticks

• sistema ng pagsulat na tinatawag na calligraphy

• paghahabi at pagbuburda ng seda mula sa silkworm

• pagkatuklas ng Rutang Pangkalakalan ng Seda (The Great Silk Road)

• paglilimbag ng unang aklat .

Para sa karagdagang impormasyon buksan lamang ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/365096

brainly.ph/question/201527

brainly.ph/question/1731692