IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano ang ibig sabihin ng katagang white man's burden

Sagot :

White Man's Burden

Ang katagang “White Man’s Burden” ay tumutukoy sa responsibilidad ng mga mananakop na Amerikano upang gawing sibilisado ang kanilang nasakop na bansa.

Ayon sa ating mga pinag-aralan sa mga paaralan madaming naitalang mga bansa ang sumakop sa Pilipinas. Bunga ng pagkakaroon natin ng mga salitang espanyol, mga kulturang kanluranin na kinilala na natin bilang isang normal na bagay sa ating pamumuhay. Sa mga pananakop na iyon, nagkaroon ng isang panibagong pagkakakilanlan ang mga Pilipino.  

Mga halimbawa ng impluwensya ng pananakop ng ibang bansa sa ating kultura:

  • Istruktura o disenyo ng mga Simbahan
  • Relihiyon (Protestantism, Christianity, Catholism)
  • Paraan ng Pagluluto ng pagkain
  • Ibang mga salita na galing sa Espanya o Amerika
  1. Ang mga disenyo ng ating mga simbahan ay detalyado at madalas pansin ang partikular na itsura ng mga bintana at pasukan ng bawat simbahan. Ang pagkakaroon din ng malaking krus sa labas at loob ng mga simbahan.
  2. Ang mga relihiyon na ating ginagamit o kinikilala ay nanggaling sa mga Espanyol, isa na dito ang Katolisismo. Ang ating mga paniniwala at pag-aaral na nagmula sa biblya. Isang malaking parte ng pagiging Pilipino ay ang ating relihiyon at pagmamahal sa ating Diyos.
  3. Ang iba nating mga luto o paggamit ng mga kulay sa mga pagkain. Nagmula din sa espanyol halos ng ating alam na lutuin. Sa kasalukuyan, ang impluwensya ng mga Amerikano sa pagluluto ng mga pagkain ay lumaki din. Nagbigay ng panibagong mga pagkain tulad ng mga “Sandwich” ng mga banyaga.
  4. Mga salita tulad ng ating pagbibilang (uno, dos, tres) at ang ating simpleng pagkikipag-usap sa ibang tao.  

Halimbawa nito ay ang mga salitang:

  1. Meryenda-Merienda
  2. Lababo-Lavabo
  3. Banyo- Baño
  4. Demokrasya-Democracia

Ang White Man’s Burden ay pagbibigay aral at panibagong kultura ng mga kanluraning bansa sa mga maliliit na bansang kanilang nasakop. Ito ay isang paraan ng pagpapalaganap ng kanilang kultura at kakayahan sa mga taong naninirahan sa mga lugar na kanilang kinasasakupan.

Halimbawa ng White Man’s Burden:

  • Pagpapa-aral sa mga tao
  • Pagbibigay introduksyon sa kanilang mga ugali

Ang Imperyalismo ay nagbibigay kapangyarihan sa mga Bansang may angking kakayahan upang manakop ng iba na pamunuan at paunlarin ang mga taong kanilang nasasakupan. Naniniwala sila na maliban sa pagkakaroon ng kapangyarihan sa mga taong mas mababa sa kanila, sila ay may responsibilidad na paaralin ang mga tao sa kanilang tamang pamumuhay at pamamalakad.

Iba pang impormasyon ukol sa paksa:

Bunga ng White Man’s Burden: https://brainly.ph/question/2478866

Ibang Kahulugan: https://brainly.ph/question/1373077

https://brainly.ph/question/485904

Keywords: White Man’s Burden, Pananakop