Makakuha ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

saan nagmula ang teoryang core population?​

Sagot :

Ang Core Population Theory ay isang teorya na salungat sa teorya ng kilalang arkeyologo na si H. Otley Beyer na Wave Migration Theory. Ito ay inilathala ni Felipe Landa Jocano na nagsasabing ang pandarayuhan na naganap noong sinaunang panahon ay hindi malinaw, at ito ay bunga ng isang matagal at komplikadong proseso ng mga kultural na ebolusyon na bunga ng paggalaw ng mga unang taong nanirahan sa ating bansa.

Core Population Theory

Ayon pa sa Core Population Theory, ang mga sinaunang taong nanirahan sa Timog Silangang Asya ay nagmula sa iisang pangkat etniko na mayroong pagkakahawig o pagkakatulad ng kultura. Gayunpaman, dahil sa iba't ibang salik gaya ng panahon, kapaligiran at mga pangyayaring hindi inaasahan, nagkaroon ng pagkakaiba iba ang kulturang ito.

Ang Core Population Theory ay kabaligtaran sa teorya ni Otley Beyer sapagkat ayon kay Jocano, mayroon nang mga Pilipino sa bansang Pilipinas noong unang panahon at hindi ito bunga ng migration o paglipat at pag alis ng mga Malay o iba pang mga sinaunang nakatira sa Timog Silangang Asya.

Dahil sa tinuran ni Jocano, maraming kilalang antropologo ang sumang ayon sa kanya. Ang ilan sa kanila ay sina:

Robert Fox

Alfredo E. Evangelista

Jesus Peralta

Zeus A. Salazar

Ponciano L. Bennagen

Sumangguni sa sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman ukol sa:

Teorya ng Wave Migration

Mga ebidensya ng Core Population Theory

Ang ilan sa mga ebidensya o patunay ng Core Population Theory ay:

Pagkakaroon ng magkakaparehong salita sa mga bansang Malaysia, Indonesia, at Pilipinas

Mga artifacts na nahukay sa tatlong bansa na may magkakaparehong disenyo

Mga butong nahukay sa Pilipinas na mayroong edad na 21,000 taon

Ang buto ng taong tabon sa Tabon Cave, Palawan