Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

2.ano ang dahilan ng pag unlad ng kanilang kabihasnan

Tungkol ito sa mga minoans

(a.p. Week 1 quarter 2 (task 1))​

Sagot :

Answer:

Kabihasnan ng Minoan

- Ito ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Gresya at sa buong Europa. Ito ay itinatag ni Haring Minos, ang dakilang hari ng Crete. Ang knossos na matatagpuan sa hilagang bahagi ng crete ay ang kabisera nito.

Apat na antas ng tao sa lipunan:

Maharlika

Mangangalakal

Magsasaka

Alipin

Anu-ano ang kadahilanan ng kanilang pag unlad?

Ang mga Minoan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pakikipag kalakalan sa dagat at sila rin ang unang nakagawa ng kauna-unahang arena sa buong mundo.

Sila ay namumuhay sa pagtatanim ng ubas at Olives na nakatutulong sa pag unlad ng kanilang ekonomiya.

Tumaas ang kanilang ekonimiya dahil sa pakikipag kalakalan at nag simula silang mag angkat ng mga alahas at mga batong-hiyas. Mula dito, nagkaroon sila ng mga bagong ruta sa pakikipag kalakarang pang dagat.

Sila ay bumuo ng troso, palayok, at tela upang gamitin sa pakikipag kalakalan sa mga kalapit bansa.

Anu-ano pa nga ba ang pagkaka-kilanlan sa mga Minoan?

Ang kanilang pangunahing laro pampalakasan ay boxing.

Ang mga maharlika ay naninirahan sa palasyo ng knossos.

Sila ang nagpakilala ng isang klase ng pag guhit ng larawan at ito ay tinatawag na Fresco.

Pinapahalagahan ng mga Minoan ang kanilang kalayaan at kapayapaan.

Masayahing ta o na mahilig sa magagandang bagay o kagamitan

Pinahahalagahan nila ang palakasan upang mapanatili ang maganda at balingkinitan nilang pangangatawan

Kilala sila sa larangan ng paggamit ng metal at mga kaugnay na teknolohiya

Explanation: