Sagot :

Answer:

Pakikipagkalakal ng mga Minoan

Umunlad ang kabihasnang Minoan dahil sa pakikipagkalakalan nila sa ibang mga bansa. Ayon sa mga historyador, ang mga Minoan ay narating ang mga bansa kagaya ng Sinaunang Ehipto, Cyprus, Canaan, baybayin ng Levantine, at Anatolia.

Ang pangunahing produkto na ikinakalakal ng mga Minoan ay ang saffron – isang mamahaling spice na nagmula sa isang klase ng bulaklak. Ginagamit ng mga sinaunang tao ang saffron bilang isang uri ng pangkulay. Bukod sa saffron, ikinakalakal din ng mga Minoan ang mga babasaging seramiko, tanso, lata, ginto, at pilak.

Dahil sa malawak ang nasasakupan ng kanilang ruta, naipasa ng mga Minoan ang ilan sa kanilang mga kultura at tradisyon sa mga bansang kanilang binibisita. Ito ay nag-iwan ng mga bakas kung gaano ng aba kalakas ang ekonomiya ng sibilisasyong ito.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa sibilisasyong Griyego, bisitahin lamang ang link na ito:

https://brainly.ph/question/6002024

https://brainly.ph/question/2557917

#BrainlyEveryday