Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin kung ang mga nakasaad sa kahon ay
Katangian, Gamit o Tunguhin ng isip at kilos-loob. Isulat ang letra ng sagot sa
talahanayang katulad ng nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A. Naipaliliwanag ni Hazel ang mga natuklasang kaalaman batay sa kaniyang
pag-aaral.
B. Tiniyak muna ni Jay na totoo ang nabasang artikulo mula sa pahayagan sa
pamamagitan ng patuloy na pagbabasa ng mga balita patungkol dito.
C. Sa kabila ng mga ginagawang pagkakamali ng anak ni Gerry, pilit niya pa rin
itong inuunawa at umaasa siya sa positibong kahihinatnan nito.
D. Matapos malaman ang katotohanan, nagpasya ang tatay ni Grace na itigil
muna pansamantala ang kanilang negosyo.
E. Patuloy na nag-aaral ang mga eksperto upang matuklasan ang katotohanan
patungkol sa COVID-19.
F. Alam ni Lea ang kahihinatnan ng kaniyang ginawa kaya’t hindi siya
nangangamba.
G. Lubos na nauunawaan ni Karen ang turo ng Banal na Kasulatan kaya ito ay
kaniyang isinasagawa.
H. Mas pinili ni Rea na sumunod sa kaniyang magulang sapagkat ito ang
makabubuti para sa kaniya.
I. Kahit na madalas ay inaaway si Len ng kaniyang kapitbahay ay hindi ito
gumaganti o nagtatanim ng sama ng loob.
J. Mahilig magbasa ng libro si Perry sapagkat ito ay nakatutulong sa pagtuklas
ng katotohanan.
Katangian Gamit Tunguhin