Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Explanation:
Inaalala si Punong Hukom Jose Abad Santos sa kaniyang paglilingkod sa Pilipinas nang may sukdulang dangal at pag-ibig sa bayan noong panahong pinakakailangan ito. Binitay siya ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil ayaw niyang makipagtulungan sa mga kaaway.
Noong nagsimula ang digmaan noong Disyembre 1941, naglilingkod si Abad Santos bilang Katuwang na Hukom ng Korte Suprema sa Komonwelt ng Pilipinas. Nang buwan ding iyon nagsimulang dumaong sa Pilipinas ang mga Hapones, at may pangangailangan na muling isaayos ang sistema ng Pamahalaang Komonwelt. Pinili upang maging Punong Hukom si Abad Santos kasabay ng pagiging kasapi niya ng Gabinete ng babagong-tatag na pamahalaan. Nanumpa siya kay Pangulong Quezon noong 24 Disyembre 1941.
Dalawang araw matapos manumpa ni Abad Santos, samantalang papalapit na ang pulutong ng mga Hapones sa Maynila, napagpasyahan ni Heneral Douglas MacArthur na ideklarang Open City [Lungsod na Bukas] ang Maynila upang mapigilan ang pagkawasak ng kabesera dahil sa mga puwersang Hapones. Sa mismong araw na simula ng panunungkulan ni Abad Santos, lumikas mula sa Maynila patungong Corregidor sina Pangulong Quezon, Pangalawang Pangulong Osmeña, Punong Hukom Abad Santos, at iba pang matataas na opisyal.
Bilang huling tanggulan ng Pilipinas, patuloy na binomba ng mga nananakop na puwersang Hapones ang Bataan at Corregidor. Nagsimula ang pagpapasabog ng Corregidor noong Disyembre 30, 1941, at nagpatuloy iyon sa loob ng ilang buwan.
Noong Pebrero 2, 1942, iminungkahi ni Heneral MacArthur sa tigib ng suliraning si Pangulong Quezon na lumikas mula Corregidor patungong Visayas. Matapos ang labingwalong araw, nagtungo sa katimugan ang Pangulo at ang mga kasapi ng kaniyang Gabinete, kasama si Abad Santos, at di-naglaon at saka naghiwa-hiwalay.
Sa sumusunod na sipi, isinalaysay ni Ramon C. Aquino, na nagsulat ng talambuhay ni Punong Hukom Jose Abad Santos, ang mga pangyayari kaugnay ng pagtakas ni Abad Santos mula sa Corregidor hanggang sa pagbítay rito.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.