Pa tulong naman po
Basahin ang Tulang May Huklubang Ama sa may Tumba-tumba. Pagkatapos isulat ang buod sa pamamagitan ng Graphic organizer.
Panimula:
Gitna:
Wakas:
May huklubang ama sa tumbatumba
At ikaw, binata, ang kaniyang kausap,
Dumuduyan-duyan sa buntunghininga.
Hangad mo ang palad ng kaniyang dalaga
Kaya nagtatakang hingin ang basbas
Nang huklubang ama sa may tumba-tumba.
Iyong hinintay ang tamang entrada
Ngunit dila'y putol, wika'y tumatakas,
Dumuduyan-duyan sa buntong hininga.
Kada isang kilos, wari'y
Minamata
At ngayon, para bang gusto mong lumayas
Ang huklubang ama sa may tumbatumba.
Ang iyong kongklusyon inipong pagasa'y
Mistulang kulisap sa lantang bulaklak,
Dumuduyan-duyan sa buntong hininga
Ngunit kung puso mo'y ipagbukas pa,
Baka magsisi ka at maging katulad
Nang hulubang ama sa may tumbatumba
Dumuduyan-duyan sa buntunghininga.