IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Answer:
Imbis na magalit ay magkahalong emosyon ng panlulumo at pagkadismaya ang aking nararamdaman sa kung paano pinamahalaan ng mga Kastila noon ang ating bayan at ang ating mga ninunong Pilipino.
Explanation:
Sila (mga prayleng nambibilog) na siyang nagsesermon sa Simbahan at nagtuturo ng salita ng Diyos ay sila pa ang lumabag sa kautusan ng Panginoong Hesu-Kristo. Labis silang mapagmataas sa kanilang lahi't mga sarili, bayolente, nangangamkam ng mga lupaing hindi naman sa kanila, nang-aalila – mga mapagkunwaring mga pari. Napakasama ng kanilang 333 taong pamamahala nila sa bansa. Kung may ipagpapasalamat man ako sa pagdaong nila sa ating kapuluan, 'yun ay ang paniniwalang Kristiyanismong ipinakilala nila sa'tin at ang kasamaan nilang nagbunga ng kultura ng katapangan, katatagan at kahusayang naipunla sa bawat puso nating mga Pilipino mula sa ating mga ninuno.