II. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at salitang MALI kung ang pahayag ay hindi wasto.
1. Ang mga likas na yaman ay ipinagkukunan ng mga materyales na panustos sa mga pagawaan.
2. Maaaring maging maunlad ang isang bansa kahit ito ay salat sa likas na yaman.
3. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa ay nakasalalay sa likas na yaman nito.
4. Ang klima at vegetation cover ay nakakaapekto sa pamumuhay, kilos, pananamit at kultura ng mga tao.
5. Ang savanna na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya partikular sa Myanmar at Thailand ay lupain ng
pinagsamang damuhan at kagubatan. Ang mga taong naninirahan sa steppe, prairie at savanna ay kadalasang nakatuon
sa pagpapastol at pag-aalaga ng hayop tulad ng baka at tupa.