IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Answer:
Ang Kanlurang Asya (tinatawag ding "Gitnang Silangan" dati; Ingles: Western Asia, West Asia, Southwest Asia, Southwestern Asia) ay ang timog-kanlurang bahagi ng Asya. Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa arkeolohiya ang huling bahagi ng prehistory ng rehiyon. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig—ang Africa, Asya, at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at Islam. Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na Moslem World at ikinakategorya bilang Arid Asya o bahagi ng Asya kung saan matatagpuan ang malalawak na disyerto at tuyong lugar mula Jordan tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran, at Afghanistan. Umaabot hanggang Pakistan at bahagi ng dating Gitnang Asya at Mongolia ang tinatawag na Arid Asia. Ang Kanlurang Asya ay bumubuo sa sangkatlo (1/3) ng Asya, may sukatna nasa pagitan ng 6.5 at 9.8 milyong milya kwadrado.
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.