IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanugan. Piliin at isulat sa

sagutang papel ang letra na iyong sagot.

1. Ano ang tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-

halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap

ng isang tauhan?

A. kuwentong makabanghay C. kuwento ng tauhan

B. kuwento ng katutubong-kulay D. kuwento ng kababalaghan

2. “Lubhang nalibang si Mathilde sa pakikipagsayaw kaya’t mag-iikapat

na ng madaling araw nang silang mag-asawa’y umuwi. Tanging isang

lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan.” Ang dokar ay

isang ___________.

A. kalesa C. lumang kotse

B. maliit na bangka D. pampasaherong dyip

3. Ipinaghihinagpis ni Mathilde ang karukhaan ng kaniyang lumang

tahanan ang nakaaawang anyo ng mg dingding, ang mga kurtinang

sa paningin niya ay napakapangit. Kung ikaw si Mathilde, ano ang

dapat mong gawin para matupad ang mga pangarap mo sa buhay?

A. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking

mayaman.

B. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makuntento na sa

kung ano ang kaya niyang maibigay.

C. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa

nang gumaan ang aming buhay.

D. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng

buhay na kaya niyang ibigay.

4. Paano naiuugnay ang katangian ni Mathilde sa pangkalahatang

kaisipan ng mga taga-France?

A. sa kaisipang mapagpalaya at mapagtanggol

B. sa pag-iisip na sila ay malamaharlika

C. sa mataas na estado ng pamumuhay

D. sa kaisipan ng pagkakapatiran

5. Sa pahayag na, “O, kahabag-habag kong kaibigan! Ang ipinahiram ko

sa iyong kuwintas ay imitasyon lamang.” Sinong tauhan ang

nagturan nito?

A. G. Loisel C. Sister Gudule

B. Mathilde Loisel D. Madame Forestier

6. Tumutukoy sa mga salitang ginagamit upang pagdugtungin o pag-

ugnayin ang mga pangungusap.

A. Kohesyong Gramatikal C. Kohesyong Reperens

B. Mga Kohesyong Pahayag D. Gramatikal na Pahayag

7. Ito ay reperensiya na kadalasan ay panghalip na tumutukoy sa mga

nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.

A. Anapora C. Katapora

B. Anapora at Katapora D. Kohesyon

8. Ito ay reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa mga bagay na

nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.

A. Anapora C. Katapora

B. Anapora at Katapora D. Kohesyon
9. Sa pangungusap na “Sila ay sopistikado kung manamit. Ang mga

taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasiyahan.”

Aling salita ang tumutukoy sa panghalip na sila?

A. Sopistikado C. kasayahan

B. France D. Taga-France

10.Sa pangungusap na, Ang France ay galing sa salitang Francia. Noong

panahon ng Iron Age at Roman era, ito ay tinawag na Gaul. Anong

salita ang pinalitan ng nakasalungguhit sa pangungusap?

A. Rhineland B. Gaul C. Iron Age D. France

11.Alin sa mga sumusunod ang TOTOO sa Anapora?

A. Mga Panghalip sa unahang tutukoy sa mga babanggiting

Panggalan sa hulihan ng teksto o pangungusap.

B. Mga Panghalip sa hulihang tumutukoy sa mga nabanggit na

Panggalan sa unahan ng teksto o pangungusap.

C. Mga Panghalip sa hulihang tutukoy sa mga babanggiting

Panggalan sa hulihan ng teksto o pangungusap.

D. Mga Panghalip sa unahang tumutukoy sa mga nabanggit na

Panggalan sa unahan ng teksto o pangungusap.

12.“Siya ay isang mapanghalinang babae. Si Mathilde ay isinilang sa

angkan ng mga manunulat.” Anong kohesiyong gramatikal ang

nagamit sa pangungusap?

A. Anapora B. Katapora C. Panghalip D. Pangngalan

13.Sa pahayag na, “Si Mathilde ay nagtagumpay sa gabing iyon. Siya ay

nagningning sa piging.” Anong kohesiyong gramatikal ang nagamit sa

pangungusap?

A. Anapora B. Katapora C. Panghalip D. Pangngalan

14.Sa pahayag na , “_________ isa sa mga magaganda’t mapanghalinang

babae na sa pagkakamali ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.

Anong panghalip ang angkop sa patlang upang mabuo ang diwa ng

pahayag?

A. Ako’y B. Ika’y C. Kami’y D. Siya’y

15.Anong kohesiyong gramatikal ang ginamit sa pangungusap bilang 9?

A. Anapora B. Katapora C. Panghalip D. Pangngalan