IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong
Tuklasin
Sa Totoo Lang Pol
Kung nais mong maging isang mabuting tao
Maging matapat sa lahat ng ginagawa
Ipaalam at sabihin ang mga inaakala
Sa mga magulang at nakatatanda.
Sa totoo ang kasinungalingan
Ay isang kasalanan na di nahuhugasan
Nagsisilbing batik kahit kaninoman
Kaya't katahimikan ay di makakamtan.
Sa totoo lang dapat kahit masakit
Sabihin natin ang dapat ipilit
Pagsasabi ng totoo ay isang prinsipyo
Na di mababayaran ng kahit na sino.
Sa totoo lang di dapat manloko
Pagkat ang tiwala ng tao ay walang presyo
Ang katapatan tuwina'y isapuso
Sa lahat ng oras at saanmang dako
Ipakita ang katapatan sa lahat ng bagay
Sa isip, sa salita, at maging sa gawa
Maging bahagi ng buhay kahit ikaw ay bata
Upang sa paglaki, kamtin ay gantimpala.​