IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

1. Hinalawod ang pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng
Panay.​

Sagot :

HINILAWOD

Epikong-bayan ng mga Sulod sa pulo ng Panay at itinuturing na isa sa mga pinakamahabàng naitalâng epikong-bayan sa Filipinas.

Hiniláwod, Epiko ng Panay

Ang Hiniláwod ay isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Kanlurang Bisaya. Ito’y nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng Panay noong unang panahon. Ito raw ay inaawit nang mga tatlong linggo, isa o dalawang oras gabi-gabi.

Panahon noon nang ang mga datu galing Borneo ay dumaong sa Panay. Labingwalong kuwento ang napapaloob sa Hinalawod at ang bawat kuwento ay sumasaklaw sa tatlong henerasyon.

Nagsimula ang kuwento noong panahong ang mga diyoses ay nakikipamuhay pa sa mga tao at nagtatapos naman sa panahon nang bilhin ni Bankaya (datu galing Borneo) kay Marikudo, Hari ng mga Aeta.

Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ang epikong Hinalawod ay dinatnan na sa Panay ng mga Kastila.

Buod ng Hinilawod

Si Kaptan ay bathala ng kalangitan at si Magwayen ay bathala naman ng karagatan. May anak na lalaki si Kaptan na ang napangasawa’y anak ni Magwayen.

Ang pangasawahan ay nagkaanak ng apat: Likalibutan, Ladlaw, Libulan at Lisaga.

Sinulsulan ni Lakalibutan sina Ladlaw at Labulan na makiisa sa kanya na lusubin ang kalangitan upang siya ang maging hari ng sanlibutan (universe).

Walang pagsidlan ng galit si Kaptan kaya kanyang pinagpupukol ng kulog ang magkapatid. Ang katawan ni Likalibutan ay nagkanluluray at napatapon sa karagatan. Nang dumating ang ikaapat na kapatid siya’y kinatay at pinagdalawang hati.

Nagsisi si Kaptan sa kanyang ginawa. Muli niyang binuhay ang kanyang mga apo. Si Ladlaw ay ginawang araw; si Libulan ay ginawang buwan; at sumibol naman ang mga kahoy kay Likalibulan (sanlibutan). Ang unang hati ng katawan ni Lisaga ay naging unang lalaki (Silalak) at ang huling hati ay naging unang babae (Sibabay).

Hinilawod / Hinilawud: Macro-epic of Central Panay

Isulat sa ibaba kung ano ang macroepic.