IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Answer:
Ang pinakalumang katutubong epiko na naitala ay ang Ilokanong Biag ni Lam-ang (Ang Buhay ni Lam-ang). Ang epiko ay tungkol sa mga natatanging pakikipagsapalaran ni Lam-ang.
Ito ay nagsimula nang mabigyan si Lam-ang ng pambihirang lakas at kakayahan na magsalita mula ng siya ay ipinanganak. Sa loob ng siyam na buwan, siya ay humingi ng pahintulot na hanapin ang kanyang ama, na kalaunan ay napag-alaman niyang pinatay at pinugutan ng ulo ng mga Igorot. Nakipaglaban si Lam-ang sa mga Igorot, at napatay niya ang lahat ng kanyang mga kaaway. Umibig siya kay Ines at pagkatapos ang maraming pagsubok ay pinakasalan niya ito. Dumating ang panahon na kinailangan niyang hulihin ang kinatatakutan na isdang rarang. Sa pakikipaglaban, siya ay nalulon ng isda. Ang mga buto ni Lam-ang ay nakuhang muli at matapos na takpan ni Ines ng kanyang tapis ang mga buto, misteryosong nabuhay muli si Lam-ang, at namuhay sila ni Ines nang masaya magpakailanman.