Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
"Ang Kwento ni Mabuti"
Ang aral na mapupulot sa "Ang Kwento ni Mabuti" ay pagiging mabuti ng lahat ng bagay. Ang pananaw ay may kinalaman sa pag - ibig. Ang pag - ibig na dalisay ay nakapagpapabago ng pananaw ng isang tao. Sa kabila ng kahirapan, ang lahat ay mabuti. Sa kabila ng mga suliranin, ang lahat ay mabuti.
"Ang Kwento ni Mabuti" kung susuriin at babasahin ng paulit - ulit ay naglalarawan ng isang tipikal na guro na may hindi tipikal na buhay. Sa kwento ay hindi tuwirang nabanggit na siya ay ikalawang asawa ngunit nabanggit na siya ay may anim na taon na anak at ang ama ng kanyang anak ay isang manggagamot. Ang manggagamot ay nagkasakit at pumanaw ngunit hindi sa tahanan ng guro ibinurol sapagkat siya ay may unang pamilya.
Ang pag - ibig niya na sa kabila ng pagiging wagas ay hindi niya maaaring ipagmalaki sapagkat hindi siya ang totoong asawa. Ang bahaging iyon ng kanyang buhay ay pilit niyang ikinukubli sa pagiging mabuti. Siya ay literal na mabuti bukod pa sa kanyang bukambibig niyang ang lahat ay mabuti. Ang realidad, hindi lahat sa buhay ay mabuti. Ngunit nais ng gurong ito na ang makita at tumatak sa isip ng kanyang mga mag - aaral ay ang pagiging mabuti at hindi ang pagiging miserable ng kanyang buhay.
Ano ang kwento ni Mabuti: https://brainly.ph/question/2392454
#LearnWithBrainly
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.