Gitlapi – ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang gitlapi sa Filipino ay –in- at -um- Mga halimbawa: lumakad ,pumunta
binasa ,sumamba ,tinalon ,sinagot.
Hulapi – ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang hulapi sa Filipino ay –an, -han, -in, at –hin. Mga halimbawa: talaan, batuhan ,sulatan ,aralin ,punahin ,habulin.