Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

5 halimbawa ng hugnayang pangungusap

Sagot :

Ang hugnayang pangungusap ay isang uri ng pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa (independent clause sa Wikang Ingles) at isang sugnay na hindi nakapag-iisa (dependent clause sa Wikang Ingles). Narito ang 5 halimbawa ng hugnayang pangungusap:

  1. Bibigyan kita ng tsokolate kung mag-aaral ka nang mabuti.
  2. Gusto kong manood ng sine pati kumain ng keyk.
  3. Gaganda ang ating buhay kapag naging malinis ang ating kapaligiran.
  4. Nakapasyal kami sa ibang bansa dahil sa pag-iipon ng aking kuya.
  5. Gusto kong bumili ng laruan subalit hindi sapat ang aking ipon.

Narito ang iba pang detalye tungkol sa mga hugnayang pangungusap:

Kahulugan ng Hugnayang Pangungusap

  • Ang hugnayang pangungusap ay isang uri ng pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa (independent clause sa Wikang Ingles) at isang sugnay na hindi nakapag-iisa (dependent clause sa Wikang Ingles).
  • Ang mga hugnayang pangungusap ay gumagamit mga pang-ugnay.

Mga Pang-ugnay na ginagamit sa mga Hugnayang Pangungusap

Narito ang halimbawa ng mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsusulat ng mga hugnayang pangungusap.

  • ngunit
  • subalit
  • upang
  • kaya
  • dahil sa
  • kapag
  • saka
  • kung
  • pati

Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

  • Ano ang kahulugan ng pang-ugnay at mga halimbawa nito? https://brainly.ph/question/522014  at https://brainly.ph/question/6083
  • Ano nga ba ang mga pang-ugnay? https://brainly.ph/question/645641