Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ang bawat indibidwal na nabubuhay sa mundo ay mayroong tungkulin sa mundo; maaring tungkulin sa sarili, tungkulin bilang anak, bilang kapatid, bilang mag-aaral at tungkulin sa pamayanan. Ang ating tungkulin ang magbibigay daan upang magkaroon ng magandang relasyon sa ating pamilya at sa komunidad na ating kinabibilangan. Ito rin ay daan upang mahubog natin ang ating kakayahan at talento bilang isang tao at upang maging ganap na tao at responsabling mamamayan.
Ito ang Ating Tungkulin sa Iba't ibang Aspeto ng Tao at Lipunan.
Tungkulin sa Sarili
- Ingatan at alagaan ang sarili, pagharap at wastong pag-aalaga sa mga pagbabago sa ugto ng pagdadalaga/pagbibinata,
- Pagpapaunlad ng kakayahan sa komunikasyon, tiwala sa sarili at sa iba pang talento,
- Pagpapahalaga sa buhay ng isang tao, iwasan ang bisyo at maling gawi,
- Magkaroon ng kaibigan at magandang ugnayan sa kapwa, at
- Maging responsable at mabuting tao.
Tungkulin Bilang Anak
- Maging mapagmahal na anak,
- Masunurin at responsable sa bahay, at
- Pagkakaroon ng respeto sa mga magulang.
Tungkulin Bilang Kapatid
- Pagbibigay respeto at magandang ugnayan sa mga kapatid,
- Sumunod sa nakatatanda,
- Maging magandang halimbawa at huwarang kapatid,
- Laging magbigayan at magtulungan, at
- Magkaroon ng oras para palaganapin ang magang relasyon.
Tungkulin Bilang Mag-aaral
- Pag-igihan ang pag-aaral,
- Magkaroon ng magandang ugnayan sa kapwa mag-aaral,
- Magbigay galang sa mga guro,
- Pumasok ng maaga sa paaralan at magtapos ng pag-aaral, at
- Tumulong sa mga gawain, sa kalinisan at pagpapaganda ng paaralan.
Tungkulin sa Pamayanan
- Magkaroon ng magandang samahan sa kapitbahay at kasamahan sa isang baranggay,
- Maging responsable sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng komunidad, at
- Maging huwaran at aktibong mamamayan.
Ito ang Epekto sa Pagsunod sa Tungkulin
- Napapaunlad ang kakakyahan at talento ng bawat indibidwal,
- Nagkakaroon ng magandang samahan sa loob ng tahanan at sa labas nito,
- Nagbibigay ng magandang impluwensiya sa kapwa,
- Mababawasan ang kapahamakan at krimin, at
- Bibilis ang pag unlad ng isang tao at komunidad.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa tungkulin, maaring bisitahin ang mga site sa ibaba.
https://brainly.ph/question/1989620
https://brainly.ph/question/1665665
https://brainly.ph/question/785038
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.