IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

ano ang kahulugan ng kariktan?

Sagot :

Answer:

Kariktan

Ang kariktan ay nangangahulugang kagandahan, karilagan o kahali-halina sa paningin ng isang tao. Ito ay nagmula sa salitang marikit.

Mga halimbawa ng pangungusap gamit ang salitang marikit upang higit na maunawaan ang ibig sabihin nito.

  1. Ang aking kaibigan na si Maria ay marikit dahil sa taglay niyang kabaitan at kagandahan ng loob.  
  2. Marikit si ina at punong-puno ng pagmamahal para sa kanyang mga anak.
  3. Marikit ang kanyang ina at punong-puno ng pagmamahal.
  4. Marikit ang bag na dala-dala ni Aling Marta.
  5. Marikit ang bulaklak na hawak ng bata.
  6. Marikit ang kanyang mga mata at labi.
  7. Marikit ang babaeng kanyang napangasawa.
  8. Marikit ang batang babaeng isinilang ni Aling Maria.
  9. Ang silid-aralan ni Bb. Cruz ay malawak at marikit.
  10. Ang hardin ng aming kapit-bahay ay marikit at punong-puno ng magagandang bulaklak at halaman.
  11. Napakaraming marikit na destinasyon ang matatagpuan sa Pilipinas.
  12. Maraming marikit na tanawin ang makikita sa bansang Pilipinas.
  13. Ang Cebu ay isang marikit at pinakamatandang Lungsod sa Pilipinas.
  14. Marikit ang bahay ng aking kaibigan.
  15. Maayos at marikit mamuhay sa bayan ng Lucban.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa mga link na:

brainly.ph/question/44556

brainly.ph/question/322066

#BetterWithBrainly