Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

ano ang naiambag ni andres bonifacio para makamit ang kalayaan

Sagot :

Nczidn
Si ANDRES BONIFACIO ay isang Pilipinong rebolusyonaryon na binansagang "Ama ng Katipunan". 

Siya ang nagtatag at lumaon tinawag na "Supremo" ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa mananakop na Espanyol at siya ang nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.

Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang ang unang Pangulo ng Pilipinas pero hindi siya opisyal na kinikilala.

Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag niya ang Katipunan o kilala rin bílang "Kataastaasan, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK).  Isang lihim na kapisanang mapanghimagsik ang KKK na itinaguyod niya at hindi naglaon ay naging sentro  ito ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik.

Noong 23 ng Agosto taong 1896 sa maliit na baryo ng Pugad Lawin sa Balintawak, tinipon niya ang kanyang mga Katipunero at isa-isa nilang pinunit ang kanilang mga sedula bilang isa sa paraan ng kanilang paghihimagsik.
View image Ncz
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Sama-sama nating palawakin ang ating komunidad ng karunungan at pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.