Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Ang salitang prayle o friar sa Ingles ay nangangahulugan na isa sa mga miyembro ng mga misyonaryo na nagpakalat ng Katolisismo. Sila ay pinamamahalaan ng isang superior general. Sila din ay dapat tumutupad sa vow of poverty, chastity at obedience. Sila ang naging maimpluwensya sa Pilipinas noong panahon ng Kastila at naging dahilan din sa pagpapahirap sa madaming mga Filipino. Ilan sa mga order ng prayle ay ang Dominikano, Franciskano, Augustinian at mga Karmelito.
Mga Prayle sa Pilipinas
Maliban sa pangangasiwa sa usaping pangrelihiyon, ang mga prayle din ay namahala sa mga usaping sibil. Sila din ang namahala sa eleksyon sa mga gobernadorcillo at kabeza. Sila din ang may hawak sa listahan ng mga mamamayan ng isang lugar. Dahil dito naging makapangyarihan ang mga prayle sa panahon ng Kastila. Ang salitang prayle ay naging kasingkahulugan na din ng pinuno o lider para sa mga sinaunang Pilipino.
Padre Damaso
Isa na siguro sa pinakatanyag na prayle sa literatura si Padre Damaso na ama ni Maria Clara. Sinasabing nakipagrelasyon si Padre Damaso kay Doña Pia at naging bunga nito si Maria Clara.
Mga Paaralan
Marami ding mga paaralang pribado na pinamamahalaan ng mga order ng prayle sa Pilipinas ngayon. Ilan na dito ang University of Santo Tomas at ang Ateneo de Manila. Ang mga sinaunang mga eskwelahan din ay pinamahalaan ng mga simbahan--ang mga tinawag na parochial schools.
Para sa dagdag kaalaman:
Organisasyon ng Katolikong Simbahan: https://brainly.ph/question/2441082
Taon ng Pagpunta ng mga Order: https://brainly.ph/question/975314
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.