Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
Sagot :
Kahulugan ng Malirip
Ang salitang malirip ay binubuo ng unlapi at salitang ugat na lirip. Ang kahulugan nito ay mabatid, maisip o malaman ang katotohanan o halaga ng isang bagay o pangyayari. Dito pumapasok ang pagninilay-nilay o pagmumuni-muni ng isang tao upang mas maintindihan ang isang sitwasyon. Ito ang maingat at malinaw na pag-unawa. Sa Ingles, ito'y comprehend.
Mga Halimbawang Pangungusap
Gamitin natin sa pangungusap ang salitang malirip para mas maging pamilyar dito. Narito ang halimbawa:
- Kahit anong gawin ko ay hindi ko malirip kung bakit nagawa ni tatay na iwan kami.
- Sana ay malirip ng mga kabataan kung gaano sila kaswerte dahil nakapag-aaral sila. Sana ay hindi nila sayangin ang kanilang pagkakataon.
- Bigyan mo ako ng tatlong araw upang malirip ko ang solusyon sa ating problema.
Kahulugan ng ibang salitang Tagalog:
https://brainly.ph/question/109655
#LearnWithBrainly
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.