IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

anong ibig sabihin ng nakalulunos

Sagot :

Ano ang ibig sabihin ng nakalulunos?

Ang kahulugan ng nakalulunos ay panglulumo o labis na pagkalungkot dahil sa hindi magandang pangyayari; ang damdaming ito ay kabilang sa kalungkutan o pagkabigo. Ang taong nakararanas ng ganitong damdamin ay dapat bigyan ng tulong o payo para sa maibsan ang kalungkutan.  

Gamit sa pangungusap  ng salitang nakalulunos

  • Nakalulunos ang sinapit ni Alicia sa kanya amo sa ibang bansa; nagtamo ito ng maraming sugat at pasa mula dito.
  • Ang mga batang naanod sa bahay ay hindi pa rin natatagpuan sadyang nakalulunos ang sinapit ng mga ito
  • Nakalulunos ang pagguho ng mga bato sa tahanan ng mga residente sa pulang bato.

Mga kasingkahulugan ng salitang nakalulunos at gamit nito sa pangungusap

Nakapanglulumo

  • Nakapanglulumo ang pagbagsak ng presyo ng palay kaya’t minabuti ng mga magsasaka na humingi ng tulong sa pamahalaan.

Nakalulungkot

  • Nakalulungkot na pangyayari ang banggaan ng ng dalawang bus na ikinasawi ng dalawampu’t dalawang mga pasahero.

Nakapanghihina

  • Ang pagtaas ng presyo ng sibuyas ay lubhang nakapanghihina sa mga mamamayan; naapektuhan din nito ang presyo ng mga bilihing ulam.

Mga sitwasyon na kakikitaan ng mga kalunoslunos na pangyayari

  • Ang pera na inipon ni Marta ng tatlong taon ay naglaho na lamang na parang bula ng ito’y kuhain ng taong hindi nakikilala.  
  • Ang pagkamatay ng mga alagang baboy ni Kulas ay nagbunga ng paghinto sa pag-aaral ng anak nitong nasa kolehiyo.
  • Nasalanta ng bagyo ang mga tanim ng mga magsasaka kaya’t dumanas ang mga ito ng mahabang taggutom.

Para sa lubos na ikauunawa maaring magtungo sa link na nasa ibaba:

https://brainly.ph/question/2108382

https://brainly.ph/question/517310

https://brainly.ph/question/532054

#LearnWithBrainly