IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

anu ang kahulugan ng prosa

Sagot :

Prosa

Prosa ang tawag sa pananalitang tuluyan. Wala itong natatanging anyo at walang ritmo. Tulad ng pang araw - araw na komunikasyon. Karaniwang ginagamit sa paglalarawan ng mga katotohanan o talakayan. Maaring gamitin sa pahayagan, media, liham, kasaysayan, pilosopiya, at talambuhay.

Mga Uri ng Prosa:

  1. kathang - isip
  2. di - kathang - isip

Mga Uri ng Kathang - Isip

  1. alamat
  2. kuwentong - bayan
  3. dula
  4. maikling kuwento
  5. mitolohiya
  6. nobela
  7. pabula
  8. parabula

Ang alamat ay  mga salaysaying lihis sa katotohanan. Tinutukoy rito ang pinagmulan ng mga bagay - bagay sa mundo.

Ang kuwentong - bayan ay mga salaysay na hinggil sa mga likhang - isip ng mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan na kapupulutan ng araw.

Ang dula ay mga kwento na isinasabuhay at nahahati ang pangyayari sa yugto.

Ang maikling kuwento ay maikling katha na may mabilis na daloy ng pangyayaring tumutukoy sa pangunahing tauhan.

Ang mitolohiya ay kuwento tungkol sa Diyos at Diyosa at pinagmulan ng sandaigdigan.

Ang nobela ay isang mahabang kuwento na nahahati sa kabanata na bunga ng malikhaing pag - iisip.

Ang pabula ay mga kuwento tungkol sa hayop na naglalarawan sa mga tao.

Ang parabula ay mga kwentong hango sa Bibliya.

Mga Uri ng Di - Kathang - Isip:

  1. anekdota
  2. balita
  3. editoryal
  4. liham
  5. sanaysay
  6. talambuhay
  7. talumpati

Ang anekdota ay kinapapalooban ng kakatawang pangyayari sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral.

Ang balita ay paglalahad ng totoong pangyayari sa loob at labas ng bansa.

Ang editoryal ay pangulong tudling na naglalaman ng kuro - kuro ng editor.

Ang liham ay tumutukoy sa mensahe ng manunulat para sa isang tao o grupo ng mga tao.

Ang sanaysay ay maikling komposisyon na naglalaman ng sariling kuro -kuro ng may akda.

Ang talambuhay ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na hango sa mga tunay na pangyayari o impormasyon.

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan na isinasalaysay sa entablado.

Ano ang prosa: https://brainly.ph/question/1487403

Ano ang mga uri ng prosa: https://brainly.ph/question/1487403

#LearnWithBrainly