IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

ano ang lingwista at polygot? 

Sagot :

Ang mga linggwista ay mga propesyonal na may higit na interes sa pag-aaral ng wika, kung paano ito ginagamit, nagkakatulad at nagbabago kasabay ng panahon o ng kultura ng sangkatauhan. Sinasiyasat nila ang iba’t ibang padron na maaring mabuo mula sa mga pamamaraan ng paggamit ng wika, gayundin ang pagbuo ng mga modelo upang lubos pang maunawaan ang mga prosesong may kaugnay nito. Para sa kanila, ang pananalita ay sanga-sangang palaisipan, kaya naman hinimay himay nila ang mga ito sa mga aspeto, ang ilan s amga ito ay ang mga sumusunod;

Ponetika
Paglikha at pag-unawa sa mga tunog sa kahit na anong  wika

Ponolohiya
Pagpapakahulugan sa mga tunog s aisnag particular na wika

Morpolohiya
Pag-aaral ng mga salita, kung paano nabuo ang mga ito at ang relasyon ng bawat isa sa iba sa iisang lenggwahe

Semantika
Pag-aaral ng kahuluganDiskursoPaggamit ng pananalita o pagsulat sa konteksto ng lipunan

Sintaks
Pag-aaral ng struktura ng isang pangungusap
Pagsasa-ayos ng mga salita upang makabuo ng isnag makabuluhang pangungusap

Sa kabilang banda, ang isang polyglot naman ay isang tao na may kakayahang magsalita, sumulat, gumamit at umintindi ng iba’t ibang lenggwahe. Sa kabilang banda, hindi lahat ng polyglot ay linggwista- gaya ng hindi lahat ng linggwista ay polyglot. Gayunpaman, mariin pa ring inererekomenda sa mga linggwista ang pag-aaral ng higit sa iisang wika